Beauty

Beauty at Kelvin, open sa May-December affair

September 12, 2021 Ian F. Fariñas 236 views

KelvinGaya ng tema ng kanilang pagbibidahang bagong mini-series na Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette, papayag nga ba sina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda na makipagrelasyon sa malayo ang edad sa kanila?

Sa kanyang kauna-unahang Kapuso serye, nakatakdang gumanap si Beauty bilang si Bridgette de Leon, isang guidance counselor na makaka-summer fling ang kanyang estudyanteng si Marcus Villareal (Kelvin).

Dahil isang May-December love affair ang tema ng mini-series, bukas nga ba o nagkaroon na ba ng karanasan sina Beauty at Kelvin na makipagrelasyon sa labas ng kanilang age bracket?

Ani Kelvin, game siya sa ideya, “Actually in real life, mas gusto ko talaga ‘yung older than me. Mas prefer ko lang ‘yung mas may edad lang talaga sa akin, siguro kahit five or six years.”

Samantala, si Beauty ay may experience nang maligawan ng mas bata sa kanya. “I had an experience also na may nanligaw sa akin na bata but natatawa ako. Never ko pang na-try na nagkaroon ako ng relationship with a young man but I had a few suitors na bata sa akin. Nagugulat na lang ako kasi parang anong nakita nila sa akin?”

Mapapanood na ang kwento nina Bridgette at Marcus sa Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette simula bukas, Lunes, September 13, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

AUTHOR PROFILE