Glaiza

Beach wedding nina Glaiza at David, star-studded

January 24, 2023 People's Tonight 100 views

Glaiza1

Ginanap nitong Lunes, January 23, ang beach wedding nina Glaiza de Castro at David Rainey sa Sundowners Beach Villas, Botolan, Zambales.

Nakaisedyul sana ito nu’ng 2022 sa ‘Pinas pagkatapos ng kanilang Irish wedding nu’ng October 12, 2021 sa Northern Ireland, United Kingdom kaya lang naantala ito dahil sa Covid-19 pandemic.

Nang lumuwag ang health protocols, itinuloy na ito nu’ng Monday, 3 p.m.

Narito ang star-studded members ng wedding entourage.

Ang mga tumayong principal sponsors ay kinabibilangan nina Willie Revillame at Annette Gozon-Valdes; Manuel Vallester at Tracy Garcia; William Lim at Joy Marcelo; Dody Arcaya at Charisse Tinio; at Gladioso Armenio Sr. at Suzette Payongayong.

Ang best man ay si Phil Bond.

Ang maids of honor ay sina Angelica Panganiban at Vanessa Gatan.

Ang groomsmen ay sina Michael Hilton, Sam Panday, Alchristian Galura, James Eastcroft, Luigi Tinio at Edward Bugia.

Ang mga kaibigang sina Alessandra de Rossi, Chynna Ortaleza-Cipriano, Sheena Halili-Manzanero, Rochelle Pangilinan-Solinap at Olivia Daytia ang tumayong bridesmaids.

Para naman sa mga secondary sponsor, kabilang sina Mariciris Andaya at Sarah Rainey (candle), Glenda Caron at Anna Rainey (veil), Robert Rivero at Mabel Natividad (cord).

Kabilang din sa entourage sina Charlie Hilton (ring bearer), Matthew Andaya (coin bearer), Isaiah James Santiago (Bible bearer) at ang mga flower girl naman ay sina Kyla Chren Caron, Lyka Chren Caron, Mahina Rozita Robles, Mikaela Grace Andaya, Yannah Natividad at Saab Natividad. Lito Mañago

AUTHOR PROFILE