Bea

Bea, tunaw na tunaw sa kilig kina Julie Anne at Rayver

May 1, 2023 Vinia Vivar 258 views

Kulang na lang ay langgamin sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose sa kanilang guesting sa vlog ni Bea Alonzo.

Hindi naman sila nag-public display of affection o PDA pero nakakakilig ang kanilang mga palitan ng salita.

Nag-guest ang JulieVer sa vlog ni Bea na may titulong “Drip Bear Painting with Julie Anne San Jose and Rayver Cruz” at habang ginagawa ang nasabing activity ay nagtsikahan silang tatlo.

Sa simula pa lang ay nagpakilig na si Rayver nang pumuli siya ng paint na gagamitin.

“Hindi ko alam kung ano pipiliin ko. Ikaw lang pinili ko, eh,” sey ni Rayver kay Julie Anne.

Natawa naman nang bonggang-bongga ang aktres.

Sa tsikahan ay napag-usapan kung paano nagsimula ang kanilang love story.

Ayon kay Rayver, si Julie Anne talaga ang best friend niya sa GMA mula pa lang ng paglipat niya.

“Possible pala na ma-in-love ako sa best friend,” ani Rayver.

Natanong din kung ano ang love language nila at sey ni Julie, words and touch ang sa kanya habang si Rayver naman ay service.

Napag-usapan ang upcoming first film nila together at ayon kay Rayver nahirapan siya na mag-switch ng character.

“Nakikita kasi sa camera ‘yung grabe pagka-in love ko, eh. Kahit away ‘yung eksena…,” sabi ni Rayver.

Ang ganda naman ng sagot ni Julie Anne nang matanong kung paano niya idi-describe si Rayver.

“Si Ray, he’s such a nice person, and he’s easy to get along with. Napakabait. Napaka-humble, parang lahat ng characteristics ng isang mabuting lalake, nasa kanya,” sabi ni Julie Anne.

Kantyaw ni Bea kay Rayver, “Grabe, napaka-anghel mo do’n, parang pwedeng palagyan ng halo.”

Ang pamatay namang dialogue ni Rayver sa isang bahagi ng video ay, “Everytime na nakikita ko si Jules, lagi kong iniisip na ‘Lord, ano ba talaga ang ginawa ko at sobrang suwerte ko naman? Siguro, may nagawa rin akong tama sa buhay ko, para ibigay niya si Julie Anne sa akin.”

Tunaw na tunaw naman si Bea and, of course, si Julie Anne sa sinabi ni Rayver.

Ani Bea, “Grabe ‘yon! Nakakakilig!”

Sey naman ni Julie Anne, “Iyak na nga ako, eh.”

May linya pa ang aktor na “for me, sa mga mata ko, ikaw lang talaga ang pinaka-hot!”

Ang dami pang linyahan ng JulieVer na talagang nakakakilig, especially Rayver na hindi namin alam kung fan ba siya ni JulieAnne at sobra ang pagka-in-love talaga.

Sey ni Bea, na-witness din niya talaga ang sweetness ng JulieVer nang magkasama sila sa US.

“Talaga namang parang they adore each other,” sey ni Bea.

Agree kami sa sinabi ni Bea base sa nakita naming turingan ng dalawa sa vlog.

AUTHOR PROFILE