Bea

Bea sa pag-aasawa: It’s not a race

January 27, 2022 Ian F. Fariñas 129 views

SA edad na 34, hindi nagmamadaling mag-asawa ang Kapuso actress na si Bea Alonzo. Ito ang nilinaw niya sa pa-Q&A niya sa Instagram Story.

May netizen kasing nagtanong kung kailan siya mag-aasawa gaya nina Marian Rivera, Jennylyn Mercado at Anne Curtis lalo pa nga at hindi na siya bumabata.

Pabirong sagot ni Bea, “May taxi?!”

“Hindi ako nagmamadali. I’d like to take my time. It’s not a race after all. I believe we all have our own timeline.”

Natanong din ang aktres kung ano ang pinakagusto niya sa boyfriend na si Dominic Roque.

Sagot niya, “The way he loves me. The way he takes care of me. Sarap pala ng inaalagaan.”

Sa nasabing IG Story Q&A, ibinalita rin ni Bea na sa February na sila magsisimula ng lock-in shooting ni Alden Richards para sa first team-up nilang Special Memory, ang Pinoy adaptation ng 2001 Japanese series na Pure Soul at Korean movie na A Moment To Remember (2004).

Joint venture ito ng Viva Films, GMA Pictures at APT Entertainment mula sa direksyon ni Nuel Naval at screenplay ni Mel del Rosario.

AUTHOR PROFILE