Bea sa land-grabbing issue: Hindi ako magnanakaw!
“Hindi ako magnanakaw!”
Ito ang diretsong sagot ni Bea Alonso sa isyung ninakawan niya ng lupa ang mga Aeta.
Si Bea ang guest sa 4th episode ng Fast Talk with Boy Abunda last Thursday at isa sa mga napag-usapan nila ang tungkol sa land-grabbing accusation sa aktres.
Bago ito ay sinagot na rin naman ng abogado ni Bea ang issue at nilinaw na walang pagnanakaw ng lupa na naganap.
Sa FTWBA ay inamin ng aktres na na-hurt siya talaga sa akusasyon.
“I feel really hurt and upset, Tito Boy. Because you know me, you’ve known me for years, you can call me a lot of things, but hindi ako magnanakaw,” pahayag niya.
Dagdag pa niya, “At hinding-hindi ko gagawin ‘yon sa mga kapitbahay kong Aetas, because I truly care about them.”
Kaagad nga raw nilang nilinaw ang bagay na ito dahil hindi ito birong akusasyon.
“You know it’s really… masyado siyang mabigat na akusasyon. That’s the reason why we had to address it because we are fed misinformation every single day.
“Hindi natin maiiwasan na may bashers, but this kind of accusation is different that’s why we needed to address it right away,” she said.
Ang lupang ibinibintang na ninakaw niya ay pinaghirapan niya mula sa kanyang pag-aartista.
“Binili namin ‘yung farm, ‘yung property na ‘yun 11 years ago. Pinagtrabahuhan ko ‘yun. Binigay ko ‘yun sa nanay ko. Ilang tapings ‘yung iniyakan ko para lang makapagpatayo ako ng ganyan. It’s something really sensitive to me because ‘yun ang ang binigay ko sa pamilya ko at sa nanay ko,” paglilinaw pa ng aktres.
ABS-CBN, RATSADA SA IBANG BANSA
Ratsada pa rin ang ABS-CBN sa paghahatid ng de-kalidad nitong mga programa sa mga manonood sa Indonesia dahil sa bagong content localization partnership nito sa streaming platform na Vidio.
Ilan sa mapapanood online sa Indonesia ang mga hit teleserye nitong Hanggang Saan na pinagbidahan ng mag-inang sina Arjo Atayde at Sylvia Sanchez, Love Thy Woman nina Kim Chiu, Yam Concepcion at Xian Lim, pati ang Sino ang Maysala?: Mea Culpa nina Jodi Sta. Maria, Bela Padilla, Ketchup Eusebio at Tony Labrusca.
Palabas din sa Vidio ang longest-running drama anthology series sa bansa ni Charo Santos na Maalaala Mo Kaya, habang kapupulutan din ng aral ng mga chikiting ang mga istoryang tampok sa fantaserye na Wansapanataym.
Dahil sa bagong partnership na ito, hangad pa ng ABS-CBN na makapaghatid ng de-kalibreng Pinoy content sa iba’t ibang streaming platform abroad at ikinagalak din nila ang pagtangkilik ng Indonesian viewers sa kinagiliwang Kapamilya programs.
Ayon sa Asia Pacific managing director of ABS-CBN Global na si Maribel Hernaez, “The past couple of years saw a huge boost in the streaming industry. Around this period, ABS-CBN has taken massive steps to dominate the digital landscape through partnerships among the OTT sectors across the globe. On another hand, we acknowledge the support of Indonesians for our TV programs, films and music. This partnership with Vidio will allow us to further reach Indonesian viewers.”
Samantala, inihayag naman ng managing director ng PT Vidio Dot Com na si Monika Rudijono na angkop na angkop sa kanilang manonood ang mga programang dala ng ABS-CBN para patuloy na maghatid ng world-class programming sa leading streaming platform sa Indonesia.’
“As a leading OTT in Indonesia, Vidio is committed to providing premium entertainment content and seamless viewing experience for everyone.
“We continuously expand and refresh our content library with new titles from all around the world. This collaboration with ABS-CBN is a huge opportunity to further enhance our content offerings and bring some of the best shows across a wide variety of genres from the Philippines to our beloved Indonesian audiences,” saad ni Rudijono.
Ilan lamang ito sa mga mga programa at pelikulang hatid ng ABS-CBN sa mga manonood abroad, kung saan nakapagbenta ito ng mahigit 50,000 hours ng content sa higit 50 na bansa.