Bea

Bea sa isyu ng bagong BF: Kalma lang po tayo

November 13, 2024 Vinia Vivar 152 views

Naglabas na ng pahayag si Bea Alonzo tungkol sa sinasabing bagong boyfriend niya matapos ngang mag-viral ang larawan nila na magkasama at tila sweet na sweet.

Kamakailan kasi ay nirepost ng aktres ang larawan niya kasama ang lalaking nagngangalang Joset Flores pero ngayon ay deleted na ito.

Tila kuha ang larawan nila sa isang bar at makikitang parang nakahilig pa si Bea sa guy.

Kung titingnan ngayon ang Instagram account ni Joset ay naka-private na ito na dati ay hindi dahil nakita pa ng netizens ang ipinost niyang larawan nila ni Bea at nakunan ng screenshot.

Kaya ang tanong ng lahat ay kung ito na nga ba ang bagong boyfriend ni Bea.

Samu’t sari ang reaksyon ng netizens at kanya-kanya silang opinyon sakali ngang BF ni Bea ang guy. May nagsabi pang sobrang bata nito para sa aktres.

Sa kanyang Instagram Story kahapon ay nagbigay na ng maikling pahayag si Bea tungkol sa issue. Aniya ay friends lang sila bagama’t wala siyang tinukoy na pangalan.

“Okay, this is getting out of hand. Can we all relax? WE ARE JUST FRIENDS,” paglilinaw ni Bea.

“And the stories are getting ridiculous! Kalma lang po tayo,” sey pa ng aktres.

‘Yun na!

AUTHOR PROFILE