Beadom

Bea, nangangarag sa paghahanda sa kasal

November 23, 2023 Vinia Vivar 570 views

“Malapit na” ang sagot ni Bea Alonzo nang matanong ni Christine Babao kung kailan ang kasal nila ng fiancé niyang si Dominic Roque.

Nakapanayam ni Christine si Bea kamakailan at siyempre, isa sa mga napag-usapan ang kanilang nalalapit na kasal.

Ayon kay Bea, next year na ito at bagama’t hindi niya sinabi ang exact date, mukhang early or middle of next year ang kasalan.

Nasa wedding preparations na nga sila at aminado ang aktres na hirap siyang pagsabayin ang kanyang trabaho at pag-aasikaso ng kasal.

Sa ngayon kasi ay may ginagawa siyang serye sa GMA-7 at may dalawa pa siyang shows na gagawin next year.

“We’re taking it one day at a time, ‘no? I just launched my own brand, so medyo mahirap. I’m doing a soap right now, I’m gonna be doing two other shows next year.

“So, medyo mahirap i-juggle lahat. But then, so far, so good,” she said.

Good thing, ani Bea, nandiyan si Dom na siyempre ay tinutulungan siya.

“Buti na lang, may partner ako, si Dom din, sa buhay,” sey niya.

Wala pa ring ibinabahagi na iba pang details ang BeaDom hinggil sa kasal pero nabanggit ng aktres noon na kung siya ang masusunod ay intimate wedding lang ang gusto niya.

Nasabi rin niya noon na pinag-uusapan pa nila ni Dom kung sa ibang bansa ang kasal o dito na lang.

AUTHOR PROFILE