Bea nalungkot sa nangyari kina Rita at Archie
GAANO kaya katotoo ang balita na nalungkot umano ang Kapuso actress na si Bea Alonzo sa hindi magandang nangyari sa pagitan nina Rita Daniela at Archie Alemania nang matapos ang thanksgiving party that she hosted at home for the cast ng “Widows’ War” na tinatampukan nila nina Carla Abella at Jean Garcia at kung saan din tampok na mga bituin sina Tonton Gutierrez, Jeric Gonzales, Jackie Lou Blanco, Rafael Rossel, Benjamin Alves, Lovely Rivero, Timmy Cruz, Juancho Trivino, Jong Cuenco at kung saan din kasama sina Rita at Archie?
Bihirang magpa-party si Bea sa kanyang bahay. Ginawa niya ito in appreciation sa bumubuo ng cast na naging pamilya na ang kanilang turingan.
Nakainom na umano si Archie pero nagpumilit pa umano itong ihatid si Rita sa Cavite (where she stays) at kung saan din umano nakatira ang actor. Bilang nakatatandang kapatid ang trato ni Rita at kasamahan sa trabaho ang actor (na mister ng actress na Gie Canlas at ex-partner ng actress na si Michey Ferriols kung kanino siya may isang teen-age son na si Brent Marcus Alemania), pumayag at nagtiwala siya kay Archie not her knowing na may kahalayan pala umano itong gagawin sa kanya. Ito ang naging daan kung bakit nagsampa ng reklamo ang Kapuso singer-actress sa Prosecutor’s Office in Cavite sa tulong ng kanyang legal counsel. Ipinarating din umano ni Rita ang kanyang reklamo sa Sparkle GMA Artist Center, her management company. Dahil umano sa nangyari, hindi lamang si Archie ang tinanggal sa cast ng “Widows’ War” kundi maging si Rita na ipinagtataka ng marami kung bakit ganito ang naging desisyon ng management.
Si Rita nga naman ang `biktima,’ bakit kasama siya sa pinarusahan?
Bukod sa seryeng “Widows’ War,” si Rita ay mainstay rin ng “All Out Sundays,” ang Sunday musical variety show ng GMA. Ang masakit dito ay kung pati sa AOS ay tatanggalin din siya. Sana naman huwag dahil siya naman ang nanghihingi ng hustisya sa ginawa sa kanya.
Sparkle artist din ang young actor na si Sandro Muhlach na nagreklamo against two independent contractors ng Kapuso Network na sina Jojo Nones and Richard Cruz pero hanggang ngayon ay wala pa ring final judgment ang GMA sa status ng dalawa at wala pa ring proyektong natatanggap ang young actor sa kanyang mother studio. Hanging din ang status ng career ni Sandro sa Kapuso Network.
“I hosted an intimate Thanksgiving party at home for Team Widows’ War! We’ve been taping in Bataan for the past few months, and we’ve gotten close. Naging pamilya na kami. And it was nice to let our hair down for a night and enjoy,” post ni Bea Alonzo sa kanyang IG account last September 13.
Walang kaalam-alam si Bea na may hindi palang magandang pangyayari after the party she hosted.
The Streetboys reunion dance concert brings back good memories
FOR three decades, walang kontratang namagitan sa former members ng Streetboys all-male dance group sa kanilang founder at tumayong manager (hanggang ngayon), ang respetado at award-winning director na isa na ring icon sa industriya na si Chito Rono.
Ayon sa mga members ng popular `90s dance group icon, ang Streetboys, respeto at tiwala umano meron sila sa kanilang manager na tumayo rin nilang ama-amahan for years.
They were all in their teens nang sila’y sumailalim ng audition sa Equinox Disco in Makati City na pinamahalaan ni Direk Chito (and his friends) para sa isang all-male dance group na gusto nilang itapat noon sa sikat na sikat na male dance groups, ang UMD (Universal Motion Dancers) ng Universal Records at OctoManoeuvres ng OctoArts International, dalawang kilalang record labels during the `80s and the `90s.
Ayon sa dancer-turned popular actor-comedian and TV host na si Vhong Navarro na isa sa mga original members ng The Streetboys, kamuntik umano siya hindi mapasama sa grupo dahil ang isa niyang kasama ang gustong isama ni Direk Chito sa grupo at hindi siya pero siya umano ang nakatanggap ng call back.
“Guwapo kasi `yon,” natatawang kuwento ni Vhong.
They were all high school students then pero mga tagahanga na umano sila ng UMD and OctoManoeuvres at lahat sila ay nangarap na mapasama rin sa popular dance groups. Ang kaibahan ng Streetboys ay lahat sila tuma-tumbling, isa sa mga requirements noon ni Direk Chito sa mga nag-audition for Streetboys. Si Vhong naman ay nagpakitang-gilas ng kanyang mala-Michael Jackson moves which prompted Direk Chito to accept him.
Although walo lamang ang original members ng The Streetboys, umabot ito ng 14 dahil umalis ang iba sa original members for greener pasture abroad.
Si Spencer Reyes ang unang pumasok sa acting at sumikat ito at naging ka-loveteam pa noon ni Aiza Seguerra (now Ice Seguerra) but the dancer-actor left for Scotland kung saan ito ngayon naka-base. Although nagtapos ito ng nursing in college, hindi ito kumuha ng board exams kaya namasukan siyang isang bus driver sa nasabing bansa. But on the side ay nagpi-perform pa rin siya for the Filipino communities and maintains his own vlog kaya hindi pa rin umano nawawala ang kanyang passion sa pagsayaw hanggang ngayon. Brother in-law ni Spencer si Michael Segesmundo na isa ring original member ng The Streetboys at naka-base din siya sa Scotland. Ang iba sa kanila ay naka-base in Canada and Dubai but most of them are all in the Philippines.
Ang isa pang sikat na dancer-actor noon ay si Danilo Barrios who now live in the province with his own family. Pero ang sumikat nang husto sa lahat ng miyembro ay sina Vhong Navarro at Jhong Hilario na parehong popular solo actors at hosts ng top-rating and long-running noontime show ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime”. Nalinya sa pagiging actor-comedian si Vhong habang isa namang mahusay at award-winning character actor si Jhong.
Ikinuwento ni Jhong na aksidente umano ang kanyang pag-aartista at pinasasalamatan niya si Spencer Reyes. Kung hindi umano tinanggihan ni Spencer ang isang period movie na dinirek ng yumaong si Marilou Diaz-Abaya ay hindi umano siya makakapasok. Naka-braces umano noon si Spencer at hindi babagay sa role na kanyang gagampanan and he was not ready to remove his braces kaya ito’y napunta kay Jhong who turned out to be a very good actor.
Ang first movie ni Jhong na “Muro Ami” na pinamahalaan ni Direk Marilou Diaz-Abaya ay nasundan pa ng dalawang movie under the award-winning filmmaker, ang “Jose Rizal” at “Bagong Buwan” na lahat award-winning movies at isa rito ang nakapag-bigay sa kanya ng Best Supporting Actor trophy.
“Kung hindi tinanggihan ni Spencer ang role, baka wala ako rito ngayon,” pagbabalik-tanaw ni Jhong, a doting dad to his three-year-old daughter Sarina, a celebrity in her own right.
Ang iba pang members ng The Streetboys ay sina Maynard Arcellano (na siyang naging leader ng grupo), Joey Andres, Michael Sesmundo, Joseph de Leon, Nicco Manalo, Christopher Cruz at Sherwin Roux. Naging past member din ng grupo sina Jhonnel Tan, Richard Semira, Jayvee Amurao at Winferd Chua. Ang mga ito ay muling magkakasama-sama sa kanilang kauna-unahang reunion dance concert ngayong Biyernes, November 8, 2024 at the New Frontier Theater in Quezon City to be directed by A-Team ni Ogie Alcasid and directed by Paolo Valenciano.
Just for the reunion dance concert ay nagsiuwian sa Pilipinas ang ibang members ng iconic male dance group na naka-base na sa ibang bansa.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTAlK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.