Beadom

Bea kinilig kay Dominic

December 2, 2023 People's Tonight 147 views

Kinakikiligan ngayon ng netizens ang mga larawang in-upload ng aktres na si Bea Alonzo sa kanyang Instagram.

Ibinandera kasi ni Bea ang sweet bonding moments nila ni Dominic, makikita rin sa larawan na nag-holding hands ito at nagyakapan sa isang pasyalan.

“I thank God for you, everyday,” caption ng aktres sa kanyang IG post, Biyernes, Disyembre 1.

“Uwi ka na,” dagdag pa na sabi ni Bea na nangangahulugang na-miss niya na ang kanyang soon-to-be husband.

“Malapit na,” sagot naman ni Dominic na kinakiligan naman ng netizens. Sey pa ng ilang taga-hanga nila, mala-prenup na umano ang dating ng larawang in-upload.

AUTHOR PROFILE