Bea Alonzo and Dominic Roque Bea Alonzo and Dominic Roque

Bea ipinakilala ni Dominic nang personal kay Beth

July 20, 2021 Aster Amoyo 934 views

ANG rumored sweethearts na sina Bea Alonzo at Dominic Roque are currently on vacation sa West Coast in the US matapos lumagda ng kontrata sa GMA ang aktres kamakailan lamang.

Ang Kapamilya actor na si Dominic ay pamangkin ng San Francisco, California, USA-based actress na si Beth Tamayo, now married to American Adam Hutchinson.

From Los Angeles ay nagtungo ang rumored sweethearts sa San Francisco para dumalo sa baby shower party ng tiyahin ni Dom na si Beth who is now pregnant with her first baby with her second husband. Baby girl ang ipinagbubuntis ngayon ni Beth na nakatakdang isilang in September this year. Ito bale ang first time na personal na nakaharap at nakilala ni Beth si Bea although alam na ng una ang relasyon ng dalawa dahil nagkukuwento sa kanya ang kanyang pamangkin.

Masayang-masaya si Beth dahil personal na nakadalo sina Bea at Dominic sa baby shower ng kanilang magiging first baby ng husband niyang si Adam.

Samantala, pagbalik ng Pilipinas, Bea is said to be doing her first TV series with the Kapuso network. May movie rin siyang nakatakdang simulan next month kung saan niya makakatambal ang prized talent ng GMA na si Alden Richards na magiging co-venture between GMA Pictures, Viva Films and APT Entertainment na siyang may hawak ng exclusive movie contract ni Alden.

Joshua nag-propose na sa girlfriend

SOME actors marry late and some remain single kasama na rito ang hunk actor na si Piolo Pascual. Pero ang iba naman sa kanila opt to get hitched at an early age.

Joshua Colet

Last Monday, July 19, “Los Bastardos” actor Joshua Colet proposed to his girlfriend of two years, ang MYX host, transformation coach and commercial model na si Dani Mortel.

Joshua is only 26 turning 27 on January 4 pero naisip niyang ready na siyang magkaroon ng sarili niyang pamilya.

Joshua and Dani’s engagement was witnessed by their respective families.

Together, Joshua and Dani launched their own YouTube channel, ang “Let More” sa simula ng pandemic where they share their common passion in physical fitness.

Si Joshua ay anak ng dating actor na si Noel Colet.

Kisses sasabak sa Miss Universe Philippines

KAMAKAILAN lamang ay ibinahagi na ng Miss Universe Philippines Organization ang 100 official candidates ng upcoming 2021 Miss Universe Philippines na nakatakdang ganapin on September 25, 2021. At kasama rito ang 2nd placer ng 2016 PBB: Lucky 7-turned singer- actress and celebrity endorser na si Kisses Delavin (22).

Kisses Delavin
Kisses Delavin

Tatlong taong gulang pa lamang noon si Kisses ay nagpapakita na ito ng hilig sa pagsali sa mga local beauty pageant. Nung 2013, siya ang nanalong Miss Teen Masbate at nung 2016, siya ang tinanghal na Miss Masbate at Miss Kaogma. Sandaling nabago ang kanyang direksyon sa pagsali sa mga beauty pageant nang mag-audition siya sa teen edition ng Pinoy Big Brother in 2016 where she placed second. Kasunod naman dito ang kanyang pag-sign-up ng talent management contract with ABS-CBN’s Star Magic in October 2017 but when her two-year contract expired, she moved to Triple A Artist Management na siya ring nangangalaga ng career nina Marian Rivera at Maine Mendoza. Pero ngayon ay isa na umano siyang freelancer.

Sa kalagitnaan ng pandemya ay umuwi ang pamilya ni Kisses sa Masbate at bumalik ng Maynila nang siya’y mag-desisyon na sumali sa Miss Universe Philippines at sumailalim ng training sa Kagandahang Flores under Rodgil Flores.

Out of 100 official candidates ng Miss Universe Philippines, 30 rito ang pipiliin para pumasok sa Top 30 finalists na nasabing beauty pageant.

Bago umalis ng Star Magic si Kisses in 2019 para lumipat sa Triple A Artist Management, nakagawa siya ng ilang pelikula sa bakuran ng Star Cinema at kasama na rito ang “Loving in Tandem” na tinampukan nila nina Maymay Entrata, Edward Barber at dati niyang ka-loveteam (at crush), ang Fil-Italian actor na si Marco Gallo. Pero ang kanyang loveteam with Marco ay agad naputol nang mag-desisyon si Kisses na kumalas sa Star Magic habang si Marco naman ay lumipat sa pangangalaga ng Viva Artists Agency.

Maureen susubukan din ang beauty contest

SAMANTALA, ang Filipino-German model at Star Magic talent at girlfriend ng singer-actor na si Juan Karlos Labajo na si Maureen Wroblewitz (23) ay isa rin sa official candidates ng 2021 Miss Universe Philippines along with 99 other hopefuls.

Maureen Wroblewitz

Si Maureen ang grand winner sa Season 5 ng Asia’s Next Top Model held in Singapore nung 2017. Naging isa rin siya sa mga co-host ng “Eat Bulaga” in 2018.

Although isang phase lamang ng kanyang career ang kanyang pagsali sa Miss Universe Philippines, showbiz ang career na tatahakin ni Maureen after the pageant matapos itong lumagda ng kontrata with Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

John binago ang look ng ’It’s Showtime’ bilang direktor

ALTHOUGH aktibo pa rin ang actor-director at entrepreneur na si John Prats sa kanyang pagiging actor, kakaiba ang kanyang passion bilang director. Just recently, John took the directorial seat ng long-running noontime show ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime” as its new director.

Isabel Oli

Maraming mga pagbabago ang nangyari pagdating sa looks ng programa bagay na agad napansin ng mga host.

Pinasasalamatan ni John ang veteran director ng ABS-CBN na si Arnel Natividad na siyang matiyagang nagturo sa kanya.

Ngayon, isa sa mga most promising TV and stage director si John na siya ring nagdirek ng Christmas special ng ABS-CBN last December.

Samantala, may sariling production house si John, ang Bright Bulb Productions kung saan niya business partners ang close friends niyang sina Sam Milby at Angelica Panganiban.

Kung matatandaan pa, pinag-usapan nang husto ang flash mob proposal ni John sa kanyang wife, ang actress na si Isabel Oli na nangyari nung September 24, 2014 sa Eastwood City in Quezon City na nasundan ng kanilang kasal sa pag-aaring resort ng mga Prats sa Balete, Batangas nung May 16, 2015.

Ang mag-asawang John at Isabel ay meron na ngayong tatlong anak, sina Feather, Freedom at Forest.

Si John ay kasalukuyan pa ring napapanood sa longest-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin. Kung totoo ang nasagap naming balita, nakapag-last cycle taping na umano ng nasabing serye na malamang magtapos on its 6th anniversary in September.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTalkWithAsterAmoyo on YouTube. Follow me on Instragram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE