Bea

Bea gustong matikman ang luto ni Marian

September 7, 2021 Eugene E. Asis 371 views

HINDI itintaindi nagkaila ang bagong Kapuso star na si Bea Alonzo sa paghanga niya sa Dantes family.

Matatandaang nakatrabaho na noon ni Bea si Dingdong Dantes sa isang pelikula ng Star Cinema, ang ‘She’s the One’ in 2013 at looking forward naman siya na makasama at makilala pa ang misis nitong si Marian Rivera ngayong nasa iisa na silang network. At excited din daw siyang matikman ang menudo na specialty ng Kapuso Primetime Queen.

“I’m looking forward na mapaglutuan at matikman ko ang menudo ng lola niya. Sana potluck kasi gusto ko din magluto naman ng kaldereta o iba pang putahe para dalhin sa bahay niya,” nakangiting sabi ni Bea.

Sa nakaraang Pinoy Abroad Fun Connect ng GMA Pinoy TV noong September 1 ay nagpaabot ng special message sina Marian at Dingdong kay Bea. At kahit virtual ay ramdam na ramdam ni Bea ang pagiging welcoming sa kanya ng Kapuso artists kabilang na rin nga ang DongYan.

“I’m happy kasi ganyan sila ka-warm mag-welcome and I’m so looking forward to working with them and having them as my friends,” ani Bea.

Julie‘Limitless, A Musical Trilogy,’ very personal experience for Julie Anne

FOR me, this is more than just an online show. That’s why it’s very special to me and to everyone behind the project.”

Ito ang sinabi ng Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose tungkol sa kanyang upcoming show na ‘Limitless, A Musical Trilogy’ na produced ng GMA Synergy.

Ilang araw na nga lang ay mapapanood na ang first part ng kanyang trilogy na may temang “Breathe” at excited na si Julie na ma-experience nila ang naranasan niya sa journey na ito.

“Gusto namin ma-experience ng mga manonood ang journey na ito kasi lahat tayo ay nakaka-experience ng limitations to do the things that we love doing. I’m excited kasi I will be sharing with you my musical journey, ang mga song na naging special sa akin, kung paano ako nag-start, kung bakit ako nagsusulat ng songs. It’s something very personal to me kasi I’m sharing a piece of my heart and I don’t think I’ve been this vulnerable and open to people through a show. It’s new to me kasi lagi akong nakikita sa work and shows. And for the first time, makikita n’yo ako as me,” pagbabahagi pa ni Julie sa virtual press conference ng nasabing concert.

If you still haven’t gotten your tickets for Julie Anne San Jose’s “Limitless, A Musical Journey,” you can buy through www.gmanetwork.com/synergy

AldenGMA Now extended ang price discount, may bago pang feature

BUKOD sa tuluy-tuloy hanggang October 27 ang promo price ng GMA Now na P599, may bago pa itong feature na siguradong lalong makakapagpa-enjoy sa panonood anytime and anywhere.
Gamit ang GMA Now dongle na nakaplug-in sa android smartphone, pwede na ring mag-record ng eksena mula sa paboritong ninyong Kapuso program. Pindutin lang ang record button sa GMA Now mobile app at maaaari nang ma-save sa phone ang video recording na ito. Siguraduhin lang na may extra pang 100MB na space sa phone memory.

Small but terrible ang mobile digital TV receiver na ito ng GMA.

AUTHOR PROFILE