Bea

Bea, ‘Di na-offend kay Xian

September 25, 2022 Vinia Vivar 108 views

Matapos ang 17 years na pagiging Kapuso homegrown talent, nasa pangangalaga na ngayon ng Viva Artists Agency (VAA) si Bea Binene na matatandaang produkto ng Starstruck Kids noong 2004.

Since 2021 ay hindi na nag-renew ng kontrata si Bea sa Kapuso network at naging busy siya taking an online short course and Culinary studies simula nang magkaroon ng pandemic.

Humarap si Bea sa isang virtual mediacon last Friday at aniya ay sobrang happy siya that she’s now part of Viva’s roster of talents.

Pinag-uusapan pa raw nila ni Viva big boss na si Vic del Rosario at Veronique del Rosario ng VAA kung ano ang mga proyektong gagawin niya pero looking forward na siya talaga sa mga exciting na mangyayari at sa kanyang pagbabalik sa trabaho.

Sobrang na-miss daw ni Bea ang pag-arte, ang mga taping, mall show at ang pagka-busy sa kaliwa’t kanang showbiz commitments.

Siyempre, isa sa mga natanong kay Bea ay kung willing ba siya na magpa-sexy or mag-portray ng mga mature role.

Ayon sa aktres, ready naman siya na mag-level-up pero hindi niya talaga kaya ang mga sexy scene at magpakita ng katawan.

“’Yun ang unang-una kong sinabi noong nag-meeting kami. Sabi ko, ‘hindi ko po kaya ‘yun (magpa-sexy)’ Siguro sa Vivamax naman or ‘yung ibang films ng Viva, hindi naman lahat sexy. Hindi naman lahat medyo daring. For sure, meron naman tayong magagawa na project. Pero ‘yung mga pagpapaseksi, parang hindi ko pa po kaya.”

Natanong din kung okay ba sa kanyang makatrabaho ang kapwa-Viva talent na si Xian Lim dahil nagkaroon sila ng issue before.

Napatawad na ba niya ang aktor?

“Naku, wala naman pong kailangang patawarin kasi wala namang kasalanan,” she said.

Back in 2014, tinawag ni Xian na Bea Binene ang isang impersonator ni Kim Chiu sa episode ng Banana Nite.

Marami ang nagalit sa aktor sa kanyang ginawa at kaagad naman siyang nag-apologize sa social media sa aktres at nagpadala pa ng flowers bilang peace offering.

Ayon kay Bea, kahit noon pa ay hindi naman daw offensive para sa kanya ang ginawa ni Xian.

“At least, kilala niya ako. For me, it’s not offensive. Actually, nagpadala siya ng flowers sa amin before. Kasi dahil nga du’n sa incident na ‘yun but for me, I felt na hindi naman kailangan, eh. But I appreciated it,” ani Bea.

Ngayong under one management na sila, of course, willing daw siyang makatrabaho ang aktor.

“Looking forward na ma-meet at makatrabaho siya bilang ngayon, nagdidirek na rin siya sa GMA, ‘di ba?” ani Bea.

AUTHOR PROFILE