Bea

Bea ayaw ng long engagement, bet ikasal sa 2024

September 3, 2023 Vinia Vivar 249 views

Kung si Bea Alonzo ang masusunod, ang gusto niya sana ay intimate wedding. Ito talaga ang dream wedding niya.

“Gusto ko talaga intimatè wedding like ever since I was a little girl, gusto ko talaga, intimatè wedding,” sey ni Bea sa kanyang pinakabagong vlog.

Pero mukhang malabo itong mangyari since ang dami nilang friends ng fiancé niyang si Dominic Roque.

“Pagka-nag-iisip kami ni Dom ng guest list pa lang, parang ang dami pala naming friends. Kasi si Dom extrovert siya, ang dami niya talagang friends at ang dami niyang group of friends.

“And ako, I have a small circle of friends, but outside of that circle, and dami ko ring mga acquaintances, ang dami kong friends, ang dami kong mga nakatrabaho.

“I’ve been in this business for 22 years. Ang hirap niya talagang i-dilute into a very small number,” she said.

Sa ngayon daw ay hindi pa sila nagsisimula ng preparations for the wedding pero anuman ang maging plano sa kasal, alam niyang it will be very amazing.

“One thing I’m sure about is that it’s going to be amazing cause I’m gonna be marrying the love of my life,” aniya.

Wala pa rin silang date ng wedding but hopefully ay next year.

“Kasi, ayaw rin naman namin ng very long engagement because parang we don’t see the point of it because we’re sure about each other and siyempre, hindi na rim kami mga bata, gusto na rin naming mag-start ng pamilya namin.

“So, hopefully next year, sana, mag-align ang mga stars at matuloy next year,” she said.

AUTHOR PROFILE