Bea

Bea at Dominic, sa museum nag-anniversary date

February 3, 2022 Vinia Vivar 246 views

Tila nag-enjoy naman si Bea Alonzo kahit hindi sila nakapag-dinner date ng boyfriend na si Dominic Roque noong first anniversary nila last January 28.

Sa halip na dinner date ay nagpunta sila sa Pinto Art Museum sa Antipolo City.

Sa recent post ay ipinaliwanag ni Bea kung bakit hindi sila pwedeng mag-dinner.

“A day at the museum. A few days ago, Dom and I went to the Pinto museum to celebrate our anniversary (I was on a strict diet for a very special shoot, that’s why we couldn’t go on a dinner date)

“It turned out to be a fantastic day; we took many pictures and took our sweet time appreciating art around us.

“I love spending days like that. Simple and spontaneous,” caption ni Bea.

Binigyan din ng credit ng aktres ang boyfriend for taking her photos.

Sa mga larawan ay makikita si Bea na super pretty wearing a white jumpsuit.

Pinusuan ito ng napakaraming netizens kabilang na ang mga celebrity.

“Ganda naman! Showbiz crush,” ang komento ni Direk Dan Villegas.

TUMITINDING PANGGIGIGIL

Pataas na nang pataas ang gigil ng mga manonood sa The Broken Marriage Vow ngayong nakumpirma na ni Jill (Jodi Sta. Maria) ang panloloko ng kanyang asawang si David (Zanjoe Marudo) at ng kabit nitong si Lexy (Sue Ramirez).

Napapanood ang serye gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5.

Nanggagalaiti nga sa galit si Jill nang makita niya ang isa pang cellphone ng kanyang mister na naglalaman ng mga litrato kung saan naglalambingan sina David at Lexy.

Nadurog din ang puso ni Jill dahil nadiskubre niyang trinaydor din siya ng kanyang mga kaibigan dahil matagal na nilang alam ang relasyon nina David at Lexy ngunit itinago nila ito mula sa kanya.

Kahit nasusuklam na sa asawa, wala pang balak si Jill kumprontahin si David at binawi ang desisyong palayasin ito sa bahay alang-alang sa anak nilang si Gio (Zaijian Jaranilla).

Ngunit ang hindi alam ng lahat, umpisa pa lang ito ng paghihiganti ni Jill dahil nangako siyang siya ang tatapos sa gulong sinimulan ng kanyang asawa.

Sa pagpapatuloy ng kwento, nakatakdang magkrus ang landas ng asawa at ng kabit dahil malalaman mismo ni Lexy mula kay Jill na nagdadalantao siya.

Kinunan nang buo sa Baguio ang The Broken Marriage Vow, ang Philippine adaptation ng Doctor Foster, sa direksyon nina Concepcion Macatuno at Andoy Ranay.

AUTHOR PROFILE