BCCA

BCCA may bagong presidente

February 13, 2024 Jojo C. Magsombol 141 views

BATANGAS CITY–Nahalal na bagong presidente ng Batangas City Corn Growers Association Inc. (BCCA) si Grace Faraon ng Brgy. Soro-Soro Ilaya.

Isinagawa ang eleksyon sa 19th Annual General Assembly ng samahan noong Peb 12. May 192 na miyembro ang BCCA na katuwang ng pamahalaang lungsod sa pagpapatupad ng Yellow Corn Sufficiency Program.

Nagkaroon ng libreng seminar kung saan itinuro sa mga corn farmers ang kahalagahan ng paggamit ng organic fertilizer at kung ano ang kabutihang maidudulot nito sa lupa at sa kanilang ani.

Nagsilbing resource speaker ang mga kinatawan ng BioPrime at ProTech na nagbahagi ng kaalaman sa pangangalaga sa mga pananim at pamamahala ng peste sa mais.

AUTHOR PROFILE