DOT

BBMG inilunsad ng DOT Hawaii

August 1, 2024 Jonjon Reyes 267 views

INILUNSAD ng Department of Tourism (DOT) kamakailan ang Bisita, Be My Guest (BBMG) online referral tourism program sa Hawaii.

Ang BBMG ang isa sa mga pangunahing programa ng DOT katuwang ang Department of Migrant Workers at ang Tourism Promotion Board na inilunsad noong Disyembre 2022 bilang incentive program para sa lahat ng Pilipino.

Sa mensahe ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco na ibinahagi ni Assistant Secretary Maria Rica C. Bueno, sinabi ng opisyal na: “Sa ngalan ng ating Kalihim ng Turismo, nalulugod kami na makita kayo ngayon habang dinadala namin ang Bisita, Be My Guest Program dito sa Honolulu.

“Ikinagagalak kong ipaalam sa inyo na ito pinalawig hanggang Disyembre 2024 upang magkaroon ng mas mahabang panahon para sa ating mga kababayan na makilahok sa programa.

At dito sa Honolulu, ito ang ating pangatlong international activation ngayong taon, kasunod ng Singapore at Taiwan noong nakaraang Marso at Abril.”

Nakipag-collab ang DOT sa ilan sa mga pinakamahusay na destinasyon sa bansa, tulad ng Cebu, Davao, Palawan, Bohol, Boracay, Baguio, Batanes, Bicol, Camiguin, Leyte at Siargao para sa BBMG.

AUTHOR PROFILE