BBM team hinarass!

April 20, 2022 Lee Ann P. Ducusin 73 views

Ng Leni ‘NPA supporters’ sa Sorsogon

DUMANAS ng matinding pangha-harass at pananakot mula sa mga teroristang New People’s Army (NPA) na mga tagasuporta umano ni Leni Robredo ang Kalye Mensahe team ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., sa Barcelona, Sorsogon.

Ayon sa provincial coordinator ng BBM camp na itinago ang pangalan sa Doods, naganap ang insidente pasado alas- kuwatro ng hapon nitong nakalipas na Martes, April 19 sa Barcelona Public Market.

Ang Kalye Mensahe ay isang uri ng pangangampanya ng kampo ni Marcos kung saan ay may ginagamit na LED truck at doon ipalalabas ang mga ‘video messages’ patungkol sa mga programa at plata porma de gobyerno ni BBM at ng UniTeam.

Nakikita ito sa mga probinsiya na labis kinagigiliwan ng taumbayan dahil direkta nilang napapanood at nauunawan ang mga plano at layunin sa bansa ni Marcos matapos siyang manalo sa darating na May 9 election.

Sinabi ni Doods na umalis ang BBM LED Truck sa Sorsogon City dakong alas-otso ng umaga at dumating sa bayan ng Barcelona ganap na alas-nueve ng umaga.

Maayos umanong nakapagpalabas pa sila ‘film showing’ ang recorida ng truck na dinumog at tinangkilik ng maraming tao.

Ang lahat ng campaign materials at collaterals ni Marcos ay naipamigay sa mga taong nanood na nagbigay din ng positibong tugon sa Kalye Mensahe.

Dakong alas-tres ng hapon, pumuwesto ang BBM LED Truck sa pamilihang bayan ng Barcelona.

Katabi lamang ito ng Barcelona Municipal Hall at malapit sa municipal police station.

Nasa kalagitnaan ng pagpapalabas ng programa ang BBM LED Truck nang may lumapit na lalaki kay Doods.

Sinabihan umano siya ng suspect na itigil ang ‘public viewing’ dahil silang mga miyembro ng New People’s Army sa naturang probinsiya ay si Leni Robredo lamang ang sinusuportahan.

Binantaan din sila na kapag hindi umano umalis ang grupo ni Doods ay mapipilitan silang sunugin ang naturang truck, sabay turo ng suspek sa tatlong iba pang kalalakihan na kasamahan niya.

Batid ni Doods na seryoso ang banta sa kanya ng suspek kaya hindi na siya nagdalawang isip na ihinto ang pagpapalabas at lisanin ang naturang lugar.

Kaagad humingi ng tulong si Doods kay Capt. Ryan Conception ng Philippine Army upang alalayan silang makabalik sa Sorsogon City.

AUTHOR PROFILE