Sara Mainit na sinalubong ng libo-libong tagasuporta ng tumatakbong kongresista ng 3rd District Ramon “Mon” Morales sa naturang distrito ng Maynila matapos na magsagawa ng motorcade caravan Linggo ng hapon habang kinakapanayam naman ni Vice Presidential candidate Davao City Mayor Inday Sara Duterte si Morales tungkol sa buhay ng pagiging fire fighter volunteer. Kuha ni Jon-jon Reyes

BBM-Sara suportado si Morales para sa Kongreso

March 29, 2022 Jonjon Reyes 381 views

MAINIT na sinalubong ng libo-libong suporta ang tumatakbong kongresista para sa ikatlong distrito ng lungsod Maynila na si Ramon “Mon” Morales matapos ang matagumpay na motorcade caravan nitong Linggo ng hapon, Marso 27, 2022.

Sinimulan nina Morales at kasama ang motorcade kasama ang kanyang mga kabarong bumbero sa Soler Street, Binondo patungong San Fernando, San Nicolas, Madrid, Sts., Delpan, at Parola sa Binondo side, Tondo Maynila.

Kasabay nito ay nagtungo din sila sa Rizal Avenue, Blumentritt, Tambuting, Felix Huertas, Sta Cruz at Globe de Oro sa Quiapo.

Halos hindi mahulugan ng karayom ang mga supporters at naglabasan pa sa kani-kanilang mga tahanan ang mga tao upang salubungin ang caravan ni Morales.

Si Morales ay kabilang sa mga sinusuportahan ng Ferdinand Marcos Jr. (BBM) at Sara UniTeam bilang congressman ng 3rd District ng Maynila kung saan ay personal pang kinausap at inendorso ni vice presidential candidate Sara Duterte si Morales matapos nitong makausap tungkol sa buhay-fire volunteer.

“Hindi matutumbasan ng kahit ano ang kabayanihan ng mga volunteer firefighters. Ang inyong sakripisyo ang isa sa mga dahilan kung kaya’t marami ang ligtas at nasasagip mula sa sunog. Ang walang kapalit na serbisyo niyo ay pagpapakita ng pagmamahal ‘di lang sa inyong kapwa, kundi sa buong bayan,” saad ni Duterte.

Layunin naman ni Morales na idiretso sa tao ang serbisyo niya at hindi lang sa iilan lang lalo na sa mga senior citizens, persons with disabilities (PWDs), mga solo parents, estudyante, at maging mga vendors na nawalan ng hanapbuhay sa Divisoria na sakop ng ikatlong distrito ng Maynila.

Lubos naman ang pasasalamat ni Morales sa UniTeam na pinangungunahan nina Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at katambal nitong si Inday Sara Duterte sa pagtitiwala at pagsuporta sa kanya. Nina Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE