
BBM-Sara ‘landslide’ ang panalo sa QC
NAGSAMA-SAMA ang may mahigit sa 1,500 na katao sa loob ng Mafran covered court sa Barangay Old Balara sa lungsod Quezon upang patunayan ang kanilang solido at buong puwersa na suporta para sa BBM-Sara UniTeam.
Dulot din ng paglulunsad sa ALAMS (Alliance of Leaders and Advocates for Marcos Sara) para sa pagkakaisa at pagtaguyod sa laban ng mga maralitang taga-lungsod ng Quezon at sisiguraduhing “landslide victory” para sa BBM-Sara tandem.
Naniniwala at umaasa ang grupo na ang panalo nila Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (BBM) at Davao City Mayor Inday Sara Duterte para sa bise presidente, kasama sina Quezon City Mayoralty bet Mike Defensor at ng Sambayanan Party-List na numero #175 sa balota sa pangunguna ni Ka Eric Celis ay tagumpay at panalo din ng mga maralitang taga-lungsod at ng buong sambayanan.Nina Jon-jon Reyes at C.J Aliño