bbm UniTeam presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

BBM Camp: Marcos focused sa pagkakaisa

January 27, 2022 Ryan Ponce Pacpaco 170 views
Rodriguez
Atty. Vic Rodriguez, Chief of Staff at Spokesperson ni Marcos

Bongbong Walang panahon sa nega, politics of hate

NANATILI ang kampo ni UniTeam presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. Huwebes na patuloy na isusulong ng kanilang kandidato ang kampanya ng pagkakaisa at cohesion upang makamit ng bansa ang greater economic heights sa kabila ng patuloy na pananalasa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na pandemya.

Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, Chief of Staff at Spokesperson ni Marcos, ang standard-bearer ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ay walang panahon para sa “politics of hate” o politikang puno ng poot.

Inihayag ito ni Rodriguez matapos birahin ni Vice President Leni Robredo si Marcos at ibang karibal sa pagka-presidente sa panayam o interview kay Boy Abunda Miyerkules.

“What presidential aspirant Bongbong Marcos is offering to the Filipino people is his unifying brand of leadership. He does not and will not engage in negative and hateful campaigning,” ani Rodrigue.

Partikular na binalaan ni Robredo ang public na huwag iboto si Marcos at tinawag umano itong “liar” o sinungaling at sadyang nawawala sa mga panahon ng pangangailangan ng mga tao.

Tinanong si Robredo ni Abunda kung bakit di dapat iboto ng mga botanteng Filipino voters ang kanyang ibang kasamang kumakandidato bilang presidente.

Sabi ni Robredo na si Manila Mayor Isko Moreno ay is hindi malinaw sa maraming bagay habang si Sen. Panfilo Lacson Lacson ay maraming salita pero kulang sa gawa.

Tungkol naman kay Pacquiao, sinabi ni Robreo na hindi sapat ang magandang ugali upang maging presidente.

AUTHOR PROFILE