BBM1 Presidential front-runner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

BBM 55%, runaway winner

March 18, 2022 Ryan Ponce Pacpaco 142 views

Sa Publicus Survey

KULANG dalawang buwan bago ang Halalan 2022, patuloy na nangingibabaw si presidential front-runner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa karera pagka-panguluhan matapos maitala ang 55 percent voter preference sa pinakahuling Pahayag Survey na isinagawa ng polling firm na Publicus Asia noong Marso 9-14.

Tumaas pa ng 3 percentage points ang puntos ni Marcos na nakakuha ng 55 percent kumpara sa kaniyang 52.3 percent noong nakaraang Pebrero, na lalong nagpalaki sa agwat ng kaniyang kalamangan sa mga kalaban na umabot hanggang sa 34 percentage points sa ngayon.

Pumangalawa sa survey si Leni Robredo na may 21 percent na sinundan nina Isko Moreno na may 8.2 percent, si Panfilo Lacson na nakasungkit ng 4.2 percent at Manny Pacquiao na may 1.8 percent, habang may 7.9 percent pang undecided.

“The ranking for presidential remained virtually unchanged since last year. While it is true that former Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. increased his preference share from around 52 percent to a little over 55 percent in our latest survey, his numbers remained generally in line to a longer term averages. The same can also be said for VP Leni Robredo and Manila Mayor Isko Moreno,” sabi ni Dr. David Yap Jr., chief data scientist ng Publicus Asia.

Napansin naman ng Publicus na bagama’t hindi masyadong gumagalaw ang numero ng bawat kandidato pagka-pangulo, nanatili pa ring tumataas si Marcos mula sa survey noong Disyembre na may 51.9 percent, 52.3 percent noong Pebrero at 55.1 percent ngayong buwan.

Ang Pahayag ay isang nationwide purposive sampling survey na may 1,500 respondents na mula sa mahigit na 200,000 Filipinos market research panel na nasa pangangalaga ng Singapore-based firm.

Malaki din ang lamang ni Marcos sa iba’t-ibang lugar sa bansa. May marka siyang 48.9 percent sa National Capital Region; 60.1 percent sa Central Luzon; 44.5 percent sa Southern Luzon; 52.7 percent mula sa Visayas; at 67.3 percent sa buong Mindanao.

Habang sa vice presidential race naman, nanaig din ang running mate ni Marcos na si Mayor Inday Sara Duterte na nakakuha ng 56.5 percent, malayo sa pumangalawang si Kiko Pangilinan na 12.8 percent lang, si Doc Willie Ong ay 10.6 percent, si Sen. Vicente Sotto III na may 9.9 percent at may natitirang 7.7 percent undecided.

Noong Marso 13, ayon sa bagong pre-electoral national survey ng Pulse Asia na isinagawa noong Pebrero 18-23, 2022, pinaboran pa rin si Marcos sa lahat ng kandidato na nakakuha ng 60 percent.

Malayo kay Marcos si Leni Robredo na may 15 percent, sumunod si Isko Moreno na 10 may percent, Manny Pacquiao na may 8 percent at si Ping Lacson na 2 percent lang.

Maging sa Kalye Survey noong Marso 1-15, nakakalulang resulta rin ang nakuha ni Marcos na may 54.2 percent at malayong-malayo sa kaniyang mga kalabang kandidato.

Base sa buod ng Kalye Survey na ginawa sa buong bansa mula Marso 1-15 na may 3,000 na lumahok, ang 54.2 percent ni Marcos ay malaking bentahe kumpara sa kaniyang mga kalaban. Sinundan siya ni Leni Robredo na may mababang marka na 13.4 percent.

Ang mga pinakahuling ulat na ito ay lalong nagpatibay at nagkumpirma sa mga resultang isinumite ng ibang mga polling firm at tunay na nagpakita na si Marcos ay nangunguna ng milya-milya sa kaniyang mga karibal samantalang wala nang dalawang buwan bago ang halalan.

AUTHOR PROFILE