BAYAW PINAG-ALMUSAL NG BALA!
PATAY ang isang lalaki matapos umanong paalmusalin ng bala ng kanyang bayaw na seaman nitong Martes ng umaga sa Tiaong, Quezon.
Nakilala ang biktima na si Pedro Din, 43, tricycle driver at residente ng Sitio Panghulan, Barangay Bula, sa nasabing lalawigan.
Pinaghahanap naman ng mga alagad ng batas ang suspect na si Enrico Perez , residente ng Sitio Centro , Barangay Bua at sinasabing sumasailalim sa consultation sa doctor dahil sa pagkakaroon ng depression.
Batay sa ulat ng PNP, nag-aalmusal umano ang biktima at isa pang kasama nito nang biglang sumulpot ang suspect at binaril sa ulo ang biktima.
Dead on the spot si Din habang mabilis na tumakas ang suspect.
Nakuha mula sa crime scene ang isang basyo ng bala ng kalibre .45 na baril.
Personal na galit ang tinitignang dahilan ng pulisya kung bakit nagawa ng suspect ang krimen.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.