Tsuper Makikita sa larawan sina No. 1 Nominee Atty. Amisola “Alex” Abaton, LTO-Region 9 Director, No. 2 Dra. Estela De Gusman at No. 3 Dangerous Board Undersecretary Atty. PJ Vera Cruz bago ang signing of support sa tinaguriang Voltes-5 ng transportation sector. Kuha ni JUN I. LEGASPI

Bayaning Tsuper inindorso ng ‘Voltes-5’ ng transport sector

October 9, 2021 Jun I. Legaspi 1062 views

ININDORSO ng tinaguriang Voltes-5 sa transportation sector ang “Bayaning Tsuper” Party List bilang official na kandidato at tunay na kinatawan ng public transportation sa House of Representatives.

Ayon sa mga presidente ng pinakamalalaking transport group na Liga ng Transportasyon sa Pilipinas (LTOP), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), Associations of Operators and Drivers in the Philippines (LTODAP), (PASANG-MASDA) at Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), ang Bayaning Tsuper Party List ang nakikita nilang may malinaw na programa para tulungan ang lahat ng drivers ng public transportation

Ipinakita ng limang grupo, mga opisyales at members ang solid at tunay na suporta sa mga nominees ng Bayaning Tsuper sa ginawang pirmamahan bilang pagpapatunay sa suporta ng mga ito.

No. 1 nominee ng Bayaning Tsuper si Land Transportation Office Region 9 Director Atty. Aminola “Alex” Abaton, No. 2 Dangerous Drug Board Undersecretary Atty. PJ Vera Cruz, at Dra. Estella De Gusman.

Sa interview, tiniyak at nililinaw ni Abaton at ng kanyang dalawang kasama na isusulong nila ang kapakanan ng lahat ng tsupee kapag nasa Kongreso na sila.

Pangunahin nilang isusulong ang safety at roadworthinesss sa lahat ng lansangan sa buong bansa at ang kaligtasan ng bawat individual kung saan may kalsada.

“Isa lang ang buhay natin kaya dapat pangalagaan dapat laging ligtas,” saad ni Abaton.

Titiyakin din nitong maging batas ang single motorcycle taxi na siyang pangunahing mode of transportation ngayon sa public transportation.

Titiyakin din nitong maging batas ang mandatory health at insurance sa lahat ng mga public transportation lalo na sa motorcycle taxi at tricycle.

AUTHOR PROFILE