Bayanihan 1 best global practice vs COVID-19

June 3, 2021 Ryan Ponce Pacpaco 217 views

PINURI at kinilala ang Bayanihan 1 to Heal As One Act bilang isa sa mga best practices na ipinatupad sa buong mundo upang labanan ang pandemyang COVID-19.

Sa isang ulat na ipinalabas noong nakaraang buwan ng International Budget Partnership (IBP), pinuri nito ang PIlipinas sa pagsisikap na harapin ang pandemya ng COVID-19 sa pamamagitan ng pagsasabatas sa Bayanihan 1 partikular na ang lingguhang ulat upang masiguro na maipapatupad ng maayos ang mga programa sa COVID response.

Ang IBP ay isang independent watchdog na nagtataguyod sa transparent, inclusive, at accountable budget process ng mga pamahalaan sa buong mundo.

Sa report ng IBP napag-alaman na apat na bansa lamang sa buong mundo kabilang na ang Pilipinas ang mayroong sapat na level of accountability sa fiscal policy responses. Kabilang sa apat na bansa na kinilala ng IBP ang Australia, Norway at Peru.

Ang Bayanihan 1 To Heal as One Act ay naisabatas sa ilalim ng panunungkulan ni dating Speaker Alan Peter Cayetano sa kauna-unahan at makasayasayang hybrid session ng Kamara na dinaluhan ng mga kongresista sa loob ng plenary session at ng mayorya pa na mga miyembro ng kamara na nakilahok via Zoom. Ang Bayanihan 1 ay ang kauna-unahang economic recovery plan na ginawa ng administrasyong Duterte upang labanan ang delubyong dulot ng COVID-19.

Binigyang kapangyarihan ng Bayanihan 1 ang pamahalaan na mag-reallocate, mag-realign at mag-reprogram ng P275 bilyong pondo mula sa pambanang budget bilang tugon sa COVID-19.

Sa ilalim ng Bayanihan 1, naglaan din ng pondo para sa testing kits, medical supplies at pagtatayo ng mga quarantine facilities at isolation centers para sa mga COVID-19 patients.

Kasama ng Bayanihan 2 To Recover as One Act. Ang Bayanihan 1 ang nagsilbing armas ng gobyerno upang tugunan at labanan ang pandemya ng COVID-19.

AUTHOR PROFILE