Batikos ni VP Sara ‘di makakatulong sa PH
DALAWANG senador ang nababahala sa posibleng maging epekto sa bansa ng pambabatikos ni Bise Presidente Sara Duterte sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Para kay Sen. Joseph Victor Ejercito, hindi makatutulong ang mga pahayag ng bise presidente para makapag imbita ng mga mamumuhunan ang pamahalaan.
Sinabi rin ni Ejercito na malaking tulong ang maibibigay ng mga mamumuhunan na ito dahil magdadala ng dagdag kita at trabaho sa bansa.
“Nagkakaroon ng doubts sa ating international community, if our two top officials are not united or if they do not have a very good working relationship.
It is a sad development that the relationship of the President and the Vice President has come to this.
I am hoping that they would be able to repair their good relationship. Maraming hamon at maraming problemang kinakaharap na kailangan bigyan resulta in the future.
Ako personally, I feel sad na umabot ang magandang relasyon nila sa ganitong punto,” ani Ejercito.
Para kay Senate Minority Leader Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, hindi napapanahon at hindi rin akma sa sitwasyon ang mga sinabi ni VP Duterte.
“She should have given her counter SONA. And that is how you do things accordingly,” giit ni Pimentel.