Bacarro

Batas para sa AFP execs maganda ang layunin kung hindi ‘aabusuhin’

December 4, 2022 Zaida I. Delos Reyes 183 views

PINANGANGAMBAHANG naaabuso ng ilang graduates ng Philippine Military Academy (PMA) ang batas na nagtatakda ng permanenteng termino sa ibang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon sa mga mapagkakatiwalaang source sa militar, maganda ang layunin ang layunin ng Republic Act 11709 upang paigtingin ang professionalism sa AFP ngunit naabuso umano ito.

Anila, inaabuso ng ilang PMAers probisyon ng batas na nagtatakda ng three year fixed term sa ilang mga opisyal.

Reklamo pa ng mga military insiders na ang iba ay hindi “deserving” na ma-extend dahil bukod sa pa-retiro na e hindi rin naman ka-galingan kumpara sa mga mas batang opisyal.

Ang ilan diumano ay iilang linggo na lamang bago mag-56 years old, ang dating mandatory retirement age, ay napagbigyan pa ng dagdag na tatlong taon sa serbisyo.

May ilan din umano ang naghahangad sa pinakamataas na pwesto sa AFP na kasalukuyang hawak ni Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro, isang Medal for Valor awardee at kauna-unahang AFP chief of staff na itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.

Isa ang AFP chief of staff sa mga posisyong sakop ng three-year fixed term ng RA11709.

Sinabi pa ng mga sources na maganda sana ang layunin ng RA 11709 na mas palakasin ang professionalism at i-promote ang continuity sa AFP kung hindi aabusuhin ng iilan.