Batangas

Batangueño players kinilala, binigyan ng P200K

September 4, 2023 Jojo C. Magsombol 97 views

BATANGAS–Kinilala at binigyang parangal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang mga manlalarong Batangueño na nagtagumpay sa katatapos na 63rd Palarong Pambansa 2023 sa Marikina.

Kasunod ng flag ceremony ng Kapitolyo sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, iprinisenta ng Provincial Assistance for Community Development Office (PACD) sa mga opisyal at kawani ng pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna nina Governor DoDo Mandanas, Vice Governor Mark Leviste at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, ang mga kabataang nagpamalas ng kahusayan at abilidad sa palakasan.

Umaabot sa 21 gold, 7 silver at 46 bronze medals ang nahakot ng mga kabataang Batangueño sa Palarong Pambansa.

Binigyan ng P200,000 ang mga nagsipagwaging atleta mula sa Batangas.

AUTHOR PROFILE