Batangas

Batangas pulis handa sa transport strike

June 11, 2024 Jojo C. Magsombol 61 views

CAMP MIGUEL Malvar, Batangas City–Handa ang Batangas police, sa pangunguna ni P/Col. Jacinto R. Malinao, na tulungan ang mga maaapektuhan ng 3-day transport strike na nagsimula noong Lunes.

Nauna ng sinabi ng grupong Manibela na inaasahang 25,000 miyembro nila ang sasali sa protesta.

Tinitiyak ng Batangas police, sa pakikipag-ugnayan sa mga local government units (LGUs) at nongovernment organizations (NGOs), ang kaayusan at kaligtasan ng publiko.

Inutusan ni Malinao ang lahat ng mga tauhan na namamahala sa mga checkpoints at pagsasagawa ng mga operasyon ng pulisya para ipatupad ang maximum tolerance at paggalang sa karapatang pantao.

“Inaasahan ang lahat na makipagtulungan sa mga awtoridad at suportahan ang rehiyon sa mas ligtas na lugar upang manirahan, magtrabaho at magnegosyo.

Maaari i-ulat ang anumang krimen o insidente, o humiling ng tulong sa pamamagitan ng kanilang mga lokal na istasyon ng pulisya o hotline,” sabi ni Malinao.

AUTHOR PROFILE