Independence

Batangas PNP, provl govt nagdiwang ng Araw ng Kalayaan

June 14, 2024 Jojo C. Magsombol 128 views

Camp Gen Miguel C. Malvar–Nakiisa ang Batangas Police Provincial Office sa Batangas provincial government, na pinangunahan ni Gov. Hermilando Mandanas, sa flag raising ceremony noong Hunyo 12, 2024 bilang pagdiriwang ng ika-126 anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas na may temang, “Kalayaan, Kinabukasan, Kasaysayan.”

Ginanap ang seremonya sa Liwasang Batangan, Capitol Compound, Batangas City na nagsimula sa Civic Military Parade na binubuo ng mga elemento mula sa Natatas Symphonic Band, Batangas State University ROTC, Boy Scouts of the Philippines, Girl Scouts of the Philippines, Provincial Health Office, Batangas Province Scholarship at Educational Assistance Program Scholars.

Sinabi ni Mandanas na nasa kabataan ang susi para ipagtanggol ang karapatan ng lahat ng Batangueño at Pilipino.

Huwag nating kalimutan ang mga sakripisyo ng ating mga ninuno na lumaban para sa ating kalayaan, ayon sa gobernador.

AUTHOR PROFILE