Batangas PDRRMC naghanda na sa bagyo
NAGSAGAWA ng Operational Period Briefing and Deployment ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) noong Nobyembre 16 sa Brgy. Bolbok, Batangas City bilang paghahanda sa bagyong Pepito.
Hinati sa apat na grupo ang Batangas Incident Management Team (IMT) na pupunta sa Balayan, Tanauan at Taysan at sa mismong PDRRMC Emergency Operations Center upang tumutok sa mga kritikal na lugar na posibleng maging pinaka-apektado ng bagyo.
Nagkakaroon ng malinaw na plano ang mga ahensya at responders upang tiyakin na magiging handa, maayos at epektibo ang pagtugon sa bagyo at masiguro na matutugunan ang pangangailangan at kaligtasan ng mga Batangueño.
Kasama sa pulong ang Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police Maritime Group (PNP-MG).
Patuloy pa rin ang pagtutok ng probinsya sa pamumuno ni Gov. Hermilando Mandanas bilang chairperson.