Batangas RAB MEET–Si Provincial Administrator Wilfredo G. Racelis (nakabilog) sa ginanap na Regional Alliance Building (RAB) sa Development Academy of the Philippines.

Batangas naglatag ng high impact projects

September 10, 2023 Jojo C. Magsombol 195 views

NAGLATAG ang mga local government units (LGUs) sa Batangas ng kanilang high-impact projects na maaaring pagtulungan ng mga ahensya at LGUs upang makamit ang pag-unlad sa ginanap na Regional Alliance Building (RAB) sa Development Academy of the Philippines (DAP) sa Tagaytay City noong Setyembre 6-7, 2023.

Kabilang ang mga pamahalaang panlalawigan, pamahalaang panlungsod at regional line agencies ng CALABARZON sa ginanap na programa.

Ipinakilala ni Wilfredo D. Racelis, Provincial Administrator at In-charge of Provincial Planning and Development Office (PPDO), si Gobernador Dodo Mandanas sa nasabing gawain.

Ilan sa mga proyektong inilahad ng Batangas ang Provincial Medical Center in Tuy, Batangas, Replacement of Maturing and Senile Coconut Trees sa San Juan, Sea Salt Production, Artificial Insemination Facility Animal Shelter at ang Quarantine Facility Affordable Housing, ICT Project at Cultural Heritage Preservation.

Kabilang sa mga dumalo sa pagtitipon sina Provincial Agriculturist, Dr. Rodrigo Bautisa, Jr.; Provincial Veterinarian, Dr. Romelito Marasigan, Provincial Tourism and Cultural Affairs Assistant Department head, Jaida Castillo at PPDO Assistant Department head, Marisa Mendoza.

AUTHOR PROFILE