‘Batang Quiapo’ malaking tulong sa depresyon ni McCoy
Inamin ni McCoy de Leon na malaking tulong sa kanya si Coco Martin at ang “FPJ’s Batang Quiapo” para malampasan niya ang depresyon at anxiety.
Sa panayam ng ABS-CBN ay sinabi ng aktor na nagkaroon siya ng mental health issue noong panahon ng pandemic at talagang nahirapan siya.
“Siguro sa hirap din ng life natin nung pandemic, diagnosed ako ng depression (at) anxiety. Thankful ako kay Lord kasi isa sa pinakanakatulong sa akin ang ‘Batang Quiapo.’ Aside sa trabaho, siya ang nagbigay sa akin na may ma-discover pa sa life — which is acting din,” sabi ng aktor.
Ang nasabing serye ang naging turning point ng kanyang buhay.
“Sa totoo lang, itong ‘Batang Quiapo,’ akala ko last na project ko na. Sinabi ko sa sarili ko na sige na, bigay ko na lahat dito,” sey ni McCoy.
“Nu’ng dumaan ang pandemic, alam naman natin lahat dumaan sa mental (health struggles), parang may something na nagsabi sa akin na baka hindi para sa akin ‘yung acting.
“Parang mag-work na lang ako somewhere, out of the country. Kaya sa akin, binigay ko na lang lahat dito. Awa ng Diyos, hindi pa pala. Ito pa pala ang makakapagbigay sa akin ng opportunity,” aniya.
Dalawang taon na rin ang aktor sa BQ at puring-puri naman ng manonood ang kanyang karakter bilang kontrabidang si David. In fact, sa husay ng kanyang pagganap ay isa siya sa ‘most hated characters’ sa serye.
Bukod sa “BQ,” isa rin siyempre sa mga nakatulong sa kanya para maka-recover ay ang kanyang pamilya – ang partner niyang si Elisse Joson at ang anak nilang si Feliz.
“Siguro naturo ng mga magulang ko na kung ano nakita ko sa kanila, ‘yun din ang gusto kong iparanas sa anak ko,” sabi ng aktor.
“Elisse and Feliz, sila talaga ang and’yan for me. Aside sa family ko na hindi ko na kasama, sila talaga ‘yung and’yan para sa akin,” he added.
Ayon pa sa aktor, mas marami pa raw mangyayari sa kanyang karakter sa BQ sa darating na taon.
“Ang pinaplano namin, may-i-peak pa ‘yung mga storya, lalo kay David, and exciting talaga,” aniya,