Coco

‘Batang Quiapo’ bagong TV series ni Coco sisimulan na

December 7, 2022 Aster Amoyo 325 views

BINASAG na ng Dreamscape Entertainment ang kanilang pananahimik at pananabik ng supporters ni Coco Martin dahil opisyal na nilang inanunsyo sa publiko na base sa “Batang Quiapo” classic film ni FPJ nung 1986 opposite Maricel Soriano ang bagong sisimulang TV series ng TV superstar.

Kung minahal ng mga televiewers ang character ni Coco as Cardo Dalisay sa “FPJ’s Ang Probinsyano” sa loob ng pitong taon, tiyak na muli nilang mamahalin si Baldo, ang bagong papel na gagampanan nito sa “Batang Quiapo” habang si Lovi Poe naman sa papel ni Maria (originally played by Maricel Soriano sa pelikula).

Kung ang “FPJ’s Ang Probinsyano” TV series ay nakapag-create ng character ni Lola Flora na ginampanan ng yumaong Movie Queen na si Susan Roces until her death last May 20, 2022, isa na namang mabait, supportive at understanding na lola ang kanilang binuo na gagampanan naman ng award-winning actress, host of longest-running drama anthology na MMK, film producer at dating president-CEO ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio.

Charo was just too glad to accept her role in “Batang Quiapo” and to work again with Coco at ang bumubuo ng cast . Bukod kay Lovi, kasama rin sa bagong action-comedy series sina Christopher de Leon, Tommy Abuel, Cherry Pie Picache, Sen. Lito Lapid, John Estrada, Mark Lapid, Pen Medina, Ping Medina, Susan Africa, Ronwaldo Martin, Mercedes Cabral, Allan Paule at Benzon Dalina.

As the TV series progresses, inaasahan na magiging daan na naman ito ng paglabas ng marami pang artista na tinutulungan ni Coco na magkaroon ng trabaho tulad ng kanyang ginawa sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na tumagal sa ere sa loob ng pitong taon and was still at its peak nang ito’y magtapos.

Tulad ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” ang “FPJ’s Batang Quiapo” ay magsisilbing tribute ni Coco sa kanyang idolong si FPJ whose 18th death anniversary will be commemorated ngayong December 14, 2022. Ang pagkakaroon ng `lola’ character sa bawat ginagawang serye ni Coco ay bilang pagpupugay na rin niya sa kanyang sariling lola (Matilde) na siyang nag- aruga sa kanya nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang.

Bata pa noon si Coco ay madalas siyang karay-karay ng kanyang Lola Matilde para panoorin ang mga pelikula ni FPJ na isa ring big fan ng yumaong movie king. Doon din nagsimula si Coco sa kanyang pagkakaroon ng interest sa acting at paghanga kay FPJ na dala-dala niya hanggang pumasok siya ng showbiz.

Hindi man niya nakatrabaho si FPJ, makailang beses naman niyang nakasama ang yumao na ring misis nito, ang movie queen na si Susan Roces who was like his own grandmother in real life.

Sa “Batang Quiapo” ay kapareha naman niya si Lovi Poe na biological daughter ni FPJ.

Samantala, bago simulan ni Coco ang “FPJ’s Batang Quiapo” which is due for airing on the first quarter of 2023, focused muna ang kanyang attention ngayon sa kanyang 2022 Metro Manila Film Festival movie entry, ang “Labyu with an Accent” na pinagtatambalan nila for the first time ni Jodi Sta. Maria which he co-directed with Malu Sevilla, the tandem behind “FPJ’s Ang Probinsyano” at sa bagong sisimulang “FPJ’s Batang Quiapo”.

Umaasa at naniniwala si Coco na handang-handa na ang mga manonood na muling dumagsa sa mga sinehan pagkatapos hagupitin ang buong mundo ng Covid-19 pandemic.

Direk Paul considers wife Toni ‘the most powerful woman’ KUNG tinanggap ng filmmaker, director at producer na si Paul Soriano ang alok ni Pangulong Ferdinand `Bongbong’ Marcos, Jr., siya sana ngayon ang bagong Press Secretary pero ito’y tinanggihan ng mister ng singer-actress, film producer, TV host, YouTuber at entrepreneur na si Toni Gonzaga dahil naniniwala siya na mas kailangan sa posisyon ang mas expert para sa nasabing posisyon. Sa halip ay tinanggap niya ang posisyon bilang Presidential Adviser on Creative Communication na siya niyang expertise at wala siyang tinatanggap na suweldo kundi P1 year.

Ayon kay Direk Paul, pareho namang maganda ang kanilang kinikita ng kanyang misis ni Toni bago pa man siya ma-appoint ni Pangulong Bongbong.

Unknown to many, si Direk Paul ay pamangkin sa pinsan ni First Lady Liza Araneta-Marcos kaya hindi kataka-taka ang closeness nilang mag-asawa sa First Couple and First Family. Dahil sa association na ito ng mag-asawa sa First Family ay katakut-takot na bashing ang tinanggap ng mag-asawa laluna si Toni pero hindi nagpaapekto ang misis ni Direk Paul at ipinagpatuloy lamang niya ang mga bagay na inaakala niyang tama at wala siyang ibang sinasagasaang tao.

Naniniwala ang mister ni Toni na si Direk Paul na ang kanyang misis ang maituturing na “most powerful and strongest woman in the Philippines today” dahil sa katakut-takot na bashing na tinanggap nito. Pero hindi nagpagupo at nagpaapekto si Toni at sa halip ay lalo pang naging matatag na harapin head-on ang mga pagsubok na dumarating sa kanya at sa kanilang mag-asawa.

“It’s either you love her or you hate her,” ani Direk Paul na humarap sa entertainment media nung nakaraang Lunes ng tanghali sa ballroom ng Winford Hotel Manila na may kinalaman sa pelikulang “My Teacher” na kanyang dinirek and produced under Ten17P in co-production with his wife’s Tincan Productions at pinagbibidahan nina Toni Gonzaga at Joey de Leon. Ang nasabing pelikula ay isa sa mga entry ng 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF) na magsisimula sa araw ng Pasko, December 2022.

Direk Paul rarely directs her wife Toni. He first directed his wife in 2009 nung hindi pa sila mag-asawa sa pelikulang “A Journey Home” kung saan nakapareha ni Toni si Joem Bascon kasama ang child actress na si Chacha Canete.

Second time naman niyang nadirek si Toni (them as couple) sa pelikulang “My Teacher”.

Having been married for over 7 years, aminado ang director-producer na marami umano silang discoveries sa isa’t isa ng kanyang wife na si Toni as they
navigate their lives as a married couple.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE