Batang lalaki, 9, pisat sa 10-wheeler truck

April 24, 2022 Jonjon Reyes 95 views

DEAD on the spot ang isang siyam taong gulang na lalaki nang masagasaan ito habang tumatawid ng huling gulong ng 10-wheeler truck Sabado ng hapon sa Tondo, Manila.

Nakilala ang biktimang si Mark Angelo Persia, ng Building 9 Temporary Housing , Barangay 105 Zone 8,Vitas, Tondo.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide si Robert Soriaga, 40, residente ng Don Pepe St., Barangay Sto.Domingo, Quezon City.

Batay sa ulat na isinumiti ni P/ SSg. Johnny Acebes, kay P/Lt.Tom Jay Fallar, officer-in-charge ng Vehicular Traffic Investigation Section ( VTIS) ng Manila DIstrict Traffic Enforcement Unit, bandang 5 p.m. nang aksidenteng masagasaan ang biktima sa northbound lane ng Delpan service road sa panulukan ng San Simon St.,Tondo.

Isang Mary Joyce Fajardo, 20 , residente sa nasabing lugar ang isa sa nagbigay ng pahayag sa pulisya.

Tumatawid diumano ang bata,nang masagasaan ng tractor head (TWT- 400) na may hatak na trailer ( TUF-225).

AUTHOR PROFILE