Default Thumbnail

Batang babae, 7, sa Laguna ‘ginahasa’ bago pinatay

July 8, 2022 Gil Aman 696 views

WALA nang buhay ang isang 7-anyos na batang babaeng na hinihinalang ginahasa bukod sa tinapyasan umano ang dalawang bahagi ng kanyang hita at walang saplot pang-ibaba matapos matagpuan nitong Huwebes ng hapon sa ikalawang palapag ng bakanteng bahay sa Purok 6, Bgy. Landayan, San Pedro City sa Laguna.

Sa inisyal na ulat ni P/Lt. Col. Socrates Solinap Jaca, hepe ng San Pedro Police, ang biktima ay residente rin ng Bgy. Landayan ng naturang lungsod.

Ang biktima na unang iniulat na nawawala ng halos isang araw ng kanyang ina, bago ito matagpuan sa bakanteng bahay na pag-aari ng isang residente ng nasabing barangay.

Naganap ang umano’y panggagahasa sa paslit na biktima dakong alas-10:00 ng gabi araw ng Miyerkules na kung saan isinagawa ng dalawang diumano’y menor de edad na mga suspek ang pagpatay at panggagahasa habang ang umano’y lango sa alak.

Inamin ng dalawang kabataang suspek na may edad na 17 at 16 na pawang nakatira rin sa Bgy. Landayan sa interogasyon ng mga barangay tanod na nakainom muna sila bago nangyari ang krimen.

Ayon sa pahayag ng mga suspek, nagawa nila “halayin” ang biktima at tapusin ang buhay nito sa pamamagitan diumano ng pagsakal sa leeg, takpan ng unan at balutin ng mosquito net (kulambo) ang bibig.

Ginawan pa diumano ng kahalayan ng isa sa mga suspek bago hubaran ang biktima saka iniakyat sa ikalawang palapag ng bahay na pinangyarihan ng krimen at doon hinawakan ng isa sa suspek na sakalin muli ang biktima.

AUTHOR PROFILE