Default Thumbnail

Bataan officials tinalakay ang 2024 budget

January 28, 2023 Christian D. Supnad 228 views

THE BUNKER, Bataan- Maagang tinalakay ng mga officials ng lalawigan ang 2024 budget upang masiguro na lalong epektibo at kapakipakinabang sa mga taga Bataan.

“Nagkaroon po tayo ng pagkakataon noong Biyernes, ika-20 ng Enero, na makipagpulong sa mga opisyal ng ating lalawigan mula mga yunit pamahalaang lokal at mga ahensya ng pambansang pamahalaan upang talakayin ang nalalapit na budget call para sa 2024 National Budget,” ani Bataan 2nd District Congressman Abet S Garcia.

“Tinalakay po natin ang proseso sa pagbuo ng national budget, at kung paano masisiguro na ang mga proyektong ating i-eendorso ay magiging mas mahusay ang pamamaraan at epektibo gayundin ang mga programa at plano na atin pong isusulong sa darating na budget call, kaugnay sa mga pangangailangan ng ating distrito, lalo na ng ating lalawigan,” dagdag ni Cong. Garcia.

Kasama sa pulong sina Gov. Joet Garcia, 3rd District Representative Congw. Gila Garcia, Pusong Pinoy Partylist Rep. Jernie Jett Nisay, Hermosa Mayor Jopet Inton, Engr. Miguel Sanchez III ng Lungsod ng Balanga, DPWH District Engineers Boying Flores ng 1st DEO; Engr Ulysses Llado ng 2nd DEO at Maribel Navarro ng 3rd DEO; mga kinatawan ng DEPED – SDO Bataan, DSWD, DPEO Bataan, Tourism Infrastructure Enterprise Zone Authority, tanggapan ni Congw. Geraldine Roman at mga department heads ng ating pamahalaang panlalawigan.

“Muli, maraming salamat sa inyong patuloy na pakikiisa, at umasa po kayo na mas pinag-iibayo po ng inyong lingkod ang mga pagsisikap upang lalo pang tumaas ang kalidad ng pamumuhay ng bawat pamilyang Bataeno,” anang mambabatas ng 2nd district