Bataan nag-alok ng cash incentives sa magpapabakunang Bataeños

December 4, 2022 Christian D. Supnad 117 views

BATAAN — Maagang pamasko ang handog ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan sa bawat babakunahang Bataeño simula December 5-16 dahil makatatanggap sila ng ₱300!

“Layon po natin na mas tumaas pa ang bilang ng nababakunahan sa ating Lalawigan dahil naniniwala tayo na mas masaya ang pagdiriwang ng Kapaskuhan kung ang pamilya natin ay ligtas mula sa COVID-19,” ani Gov. Joet S. Garcia.

Hinimok ng gobernador ang mga taga-Bataan na “Ibalita niyo na ito sa inyong mga kaibigan o i-tag sila sa post na ito dahil sabi nga nila; Share your blessings”.

“Maraming salamat sa inyong pakikiisa at pagbati ng isang maligaya at ligtas na Pasko sa inyong lahat,” dagdag pa ng ama ng lalawigan.