MPD7

Bata, tinangkang ‘dukutin’ ng 4 na sakay ng kotse sa Tondo

August 27, 2022 Jonjon Reyes 450 views

MPD nagsagawa ng ‘rescue’

ISANG 12-anyos na estudyante ang “isinakay” sa kotseng pula ng apat na “kidnapper” sa Tondo, Maynila nitong Biyernes ng umaga.

Maraming residente sa lugar ang nagkaroon ng tensiyon dahil pawang nakatutok ang mga armalite ng mga tauhan ni P/Lt. Col. Robert Domingo, commander ng Manila Police District (MPD) Jose Abad Santos Police Station 7.

Ang “insidente” ay bahagi ng ensayo ng mga pulis-Maynila o “simulation exercise” (SIMEX).

Ayon sa ulat, bandang 10:28 ng umaga, nang abangan ang mga “suspek” lulan ng pulang sasakyan habang nasa loob ang isang 12-anyos na babae.

Isang principal ng Dr. Jose Rizal Elementary School sa Tayuman Street sa Tondo ang nakatanggap ng tawag na di-umano’y may mag-aaral itong sapilitang tinangay at isinakay sa kotseng pula.

Bahagi ng SIMEX, dito agad tumawag sa tanggapan ng pulisya ang principal kaya nagsagawa ng “dragnet operation” at nasakote ang apat na kidnapper sa panulukan ng Dagupan Ext. at Raxabago Street sa Tondo.

Ang SIMEX ay isang pagsasanay kung saan sakaling may magaganap na “kidnapping incident” sa kanilang area of responsibility.

Dagdag pa ni Domingo, bahagi ito ng kanilang kahandaan kung may masamang mangyayari sa mga estudyante.

AUTHOR PROFILE