Default Thumbnail

Bata tigok nang makuryente

July 7, 2023 Jojo C. Magsombol 307 views

TIGOK ang isang menor de edad na lalake matapos makuryente habang nangunguha ng bunga ng santol sa Bgy. Santol Balayan, Batangas Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Balayan town police chief, estudyante ang nasawi at residente ng nasabing barangay.

Sa inisyal na imbestigasyon, pumunta ang ama ng biktima dakong alas-8 ng gabi sa istasyon ng pulis noong Hulyo 5, 2023 para i-report ang kalunos-lunos na sinapit ng anak.

Ayon sa ama, bandang alas-4:50 ng hapon nang makuryete ang kanyang anak matapos aksidenteng mahawakan ang isang live wire habang namimitas ng santol.

Sa lakas umano boltahe ng kuryente nahulog ang bata mula sa puno ng santol.

Isinugod ng pamilya ang bata sa Metro Balayan Medical Center idineklarang dead-on-arrival ng sumuring doktor.

AUTHOR PROFILE