Ilog Source: FB file picture

Bata lumundag sa ilog nalunod

June 19, 2024 Jojo C. Magsombol 213 views

NALUNOD ang isang menor-de-edad matapos tumalon sa ilog sa Brgy. Pangao, Lipa City, Batangas, ayon sa Lipa City police.

Base sa report, isang Aldrich Abejar ng Brgy. Lodlod, Lipa City ang nagreport at sinabi sa mga imbestigador na nakita niya ang bata na lumundag sa ilog.

Ilang minuto ang lumipas, napansin ng mga saksi na hindi lumilitaw sa ibabaw ng tubig ang bata.

Sumaklolo ang mga residente at hinanap sa paligid at ilalim ng ilog ang bata.

Makaraan ang ilang minuto, natagpuan ng mga rescuer na wala ng buhay ang bata na nasa ilalim ng ilog.

AUTHOR PROFILE