Andrea

Basketbolista at lalaking Gemini ang zodiac sign, red flags kay Andrea

September 19, 2023 Vinia Vivar 323 views

Red flag na para kay Andrea Brillantes ang basketball player, gayundin ang mga lalaking Gemini ang zodiac sign.

As we all know, basketball player at Gemini ang ex-boyfriend niyang si Ricci Rivero.

Sa Push Bets Live vlog ay natanong ang aktres kung ano ang red flags na pinalampas niya sa kanyang previous relationships.

“Basketball player,” aniya. “Hindi naman sa nilalahat ko, pero lagi silang nagpapatunay kasi. ‘Yun lang ‘yun.”

Dagdag niya, “Pangalawa, Gemini.”

Tinanong siya kung bakit red flag ang Gemini at sagot niya, “Red flag po kasi for me ang Gemini, eh, kasi nasaktan na rin po ako sa Gemini, eh. Pinalampas ko kasi sabi ko, ‘ito, baka ito kakaiba ‘to.’”

Matatandaang naging kontrobersyal ang breakup nina Andrea at Ricci nitong kalagitnaan ng taon. Mabilis namang naka-move-on ang aktres at ngayon ay ini-enjoy ang pagiging single.

AUTHOR PROFILE