Bashers pinagmumumura ni Ivana
Hindi na nakapagpigil pa si Ivana Alawi at malutong niyang pinagmumura ang bashers ng nakababata niyang kapatid na si Mona Alawi.
Ipinakita ng aktres/content creator ang galit sa bashers sa kanyang latest vlog kung saan ay mapapanood din ang journey niya sa pinagdaanang sakit kamakailan.
She revealed na nagkaroon ng tubig ang kanyang tiyan kaya lumaki ito at talagang sobrang hirap ang kanyang inabot.
Nagdesisyon siyang ipabutas na ang kanyang tummy para alisin ang tubig at ngayon ay kasalukuyan siyang nagpapagaling.
Sa dulo ng vlog ay bigla na lang galit na sinabi ni Ivana na “sa mga nangba-bash kay Mona, mga p….ina n’yo!”
Maririnig na nagulat si Mona sa background at nagsabing “Huh?”
Nagpaliwanag naman si Ivana at sey niya, “Hindi kasi, siya, imagine n’yo, sa ganu’ng pain (na naranasan niya), sumusuko na ako sa life, eh, mas matindi naman niya ‘yung pain niya (Mona).
Tapos babash-bash n’yo ‘yung bata.”
Litanya pa niya, “t..g ina, may sakit na nga ‘yung tao, tapos gaganunin n’yo! Iba-bash nyo? Get a life! Napakapangit n’yo kasi kaya kayo nangba-bash!”
Sinabi rin ni Ivana na siya na lang ang i-bash at huwag na ang kapatid niya.
“Huwag siya, ‘t..g ina n’yo!” pagmumura pa ulit ni Ivana.
Later ay nagpakita na rin sa camera si Mona ay napaiyak siya sa pagtatanggol ng kanyang ate.
“Ang lala ng mga basher. Napaka-bitter n’yo sa buhay. Napakapangit siguro ng buhay n’yo para mangsaktan ng ibang tao na wala namang ginagawa sa inyo. I hope karma gets you,” mensahe pa ni Ivana sa bashers.
Mona was diagnosed with Type-1 Diabetes in 2011 and she’s been battling with the illness since then. Madalas ding mapabalitang nasa ospital siya.
Sa isang interview dati ay sinabi ni Ivana na gagawin niya ang lahat para ipagamot si Mona kahit ubusin pa niya ang lahat ng pera niya.