Derek2

Basher ng unica hija binarag ni Derek

February 18, 2025 Vinia Vivar 197 views

Hindi pinalampas ni Derek Ramsay ang isang basher na idinamay ang anak nila ni Ellen Adarna sa issue nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng aktor ang isang video na kinakantahan niya ang baby nila ni Ellen.

Pero may isang netizen na binasag ang magandang post.

“That baby will eventually have a couple tattoo with a married person, how would you feel?” sey ng netizen.

Obviously, ang pinanggagalingan ng basher ay ang controversial identical tattoo na pinalagay ni Philmar and his female friend, Pernilla Sjoo.

Bumuwelta naman si Derek sa basher at binarag din ito.

“This is the perfect example of how evil the world is. One thing is for sure, when my beautiful daughter grows up, she will have the kindness to forgive people like you,” sey ng aktor.

Matatandaang kamakailan ay naglabas ng galit si Derek kina Philmar at Andi. Ipinagtanggol niya ang kaibigan niyang si Pernilla.

Nais ni Derek na magpakalalaki si Philmar at mag-apologize kay Pernilla na nadiin nang husto dahil sa ‘couple’s tattoo issue.’

Ipinaliwanag ni Derek na may mali nga si Pernilla pero sinigurado niyang hindi nito intensyon ang saktan si Andi.

AUTHOR PROFILE