Baseco most wanted, timbog

January 20, 2022 Jonjon Reyes 75 views

MAGKASANIB puwersa ang Manila Police District (MPD) Malate Police Station 9 at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) nang maaresto ang isang most wanted ng batas, makaraang isilbi ang arrest warrant dahil sa kasong paglabag sa Section 5 ng R.A 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004, sa Intramuros Manila, Miyerkules ng tanghali.

Kinilala ang suspek na si Carlito Hizon Y Antonio, residente ng Block 15 Baseco Compound, Port Area, Manila.

Ayon kay P/Lt.Col Rodel Borbe, Station Commander ng MPD Station 9, bandang 11:30 ng tanghali nang ihain ang warrant of arrest kay Hizon, habang nakatambay ito sa Arsobispo St. sa Intramuros, Maynila.

Bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Hon.Jose Lorenzo Dela Rosa, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Br.4 ng Manila dahil sa paglabag sa Section 5 ng R.A. 9262.

Si Hizon umano ay nasa listahan ng most wanted sa Baseco Compound at nagtago ito nang halos dalawang taon, bago natunton sa kinaroroonan nito matapos inguso ng impormante.

Agad naman ipina-medical ang nahuling suspek bago pa i-turnover sa himpilan ng CIDG Manila upang samapahan ng kaukulang kaso.

Ayon naman kay MPD Director Police Brig.General Leo ‘PACO” Francisco, “Hindi kami titigil sa paghahanap ng mga taong lumalabag sa batas kahit saan man silang lugar magtago, kapag gumawa ka ng krimen sa Maynila aarestuhin ka namin, dahil walang puwang ang kriminal sa Maynila.” Nina Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE