Bartolome, Santiago paparangalan sa PCCR grand alumni homecoming
PITUMPUNG personalidad, kabilang si dating Philippine National Police (PNP) chief General Nicanor A. Bartolome at National Bureau of Investigation Director Jaime Santiago, ang pararangalan sa Philippine College of Criminology (PCCR) Grand Alumni Homecoming sa Nov. 9.
Ang PCCR, ang unang higher-educational institution ng Criminology sa Southeast Asia, kasalukuyang ipinagdiriwang ang unang Philippine Criminology Week na magtatapos sa Grand Alumni Homecoming.
Alinsunod sa temang “Criminal Justice Education: Shaping Leaders in Law Enforcement,” magsasama-sama sa Philippine Criminology Week ang mga estudyante, guro, at professional criminologists mula sa buong bansa upang talakayin ang pinakabagong issue sa law enforcement at criminology at para kilalanin ang mahahalagang kontribusyon ng mga Filipino criminologists.
Simula noong Lunes, ginaganap na sa PCCR campus ang mga international conferences at inter-school academic, sports, at artistic competitions.
Sa Sabado, idaraos ang Grand Alumni Homecoming ng PCCR sa sa Casa Ibarra, Mall of Asia Complex sa Pasay City.
Kabilang sa mga awardees sina Gen. Bartolome, NBI Director Santiago, retired Major Gen. at Atty. Lucas M. Managuelod, dating Tarlac Governor Tingting Cojuangco; Manila Vice Mayor Yul Servo; at Sen. Robin Padilla.
Magkakaroon din ng espesyal na pagtatanghal si Cooky Chua ng bandang Color It Red.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://www.facebook.com/PCCR.edu.