Default Thumbnail

Bartender inanod ng alon sa Nasugbu, nalunod

September 14, 2023 Jojo C. Magsombol 529 views

ISANG 24-anyos na bartender ang namatay matapos malunod sa Nasugbu, Batangas.

Nakilala ang biktima na si Mark Andrew Famor ng Paranaque City.

Batay sa ulat ng Nasugbu Municipal Police Station, naganap ang insidente dakong 4:00 ng hapon noong Sept. 12 sa dagat sakop ng Sitio Baybay, Barangay Bucana, Nasugbu, Batangas.

Ayon sa report, pumunta ang biktima sa dagat para maligo pero tinangay ng malalaking alon kaya hindi na nakaahon at tuluyang nalunod.

Na-recover ang bangkay ng biktima ng mga tauhan ng Nasugbu Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at Coast Guard Nasugbu Sub Station dakong alas-7:00 ng umaga ng sumunod na araw.

Wala nakikitang foul play sa pagkamatay ng biktima.

Ayon sa mga imbestigador, posibleng nahigop ng malakas na water current ang biktima habang naliligo sa dagat. Nina ZAIDA DELOS REYES & JOJO MAGSOMBOL

AUTHOR PROFILE