Default Thumbnail

Barko nadiskaril sa Lanao; 85 nailigtas

April 21, 2023 Zaida I. Delos Reyes 274 views

HIGIT sa walumpong pasahero ang nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) mula sa nadiskaril na barko nitong Huwebes ng hapon sa Maigo Point, Lanao del Norte.

Sa ulat ng PCG, lima sa 85 mga pasahero ay pawang mga sanggol.

Ang mga biktima ay lulan ng MV Filipinas Cebu, isang RORO (roll-on/roll-off) passenger ship na pag-aari ng Cokaliong Shipping Lines.

Galing ang barko sa Lanao del Norte patungo sa Ozamiz City, Misamis Occidental nang bigla na lamang nagka-aberya sa gitna ng dagat.

Agad namang nakahingi ng tulong ang kapitan ng barko sa PCG search and rescue team na rumesponde sa kanila.

Inilipat an mga pasahero sa Tugboat Foscon Diamond at dinala sa ligtas na lugar.

Nagsagawa rin ng oil spill assessment ang mga tauhan ng PCG kasama ang Marine Environment Protection Unit (MEPU) sa lugar.

Wala namang nakitang oil sheen sa lugar. Gayunman, naglagay pa rin ng oil spill booms sa paligid upang matiyak na walang magiging epekto sa dagat ang insidente.