Barbie Mga larawan mula sa IG/@pochoy_29

‘Barbie’ transformation ni Paolo Ballesteros

October 4, 2023 People's Tonight 138 views

UMANI ng papuri mula sa netizens at celebrities ang viral na ngayong “Barbie” makeup transformation ng TV host-actor at komedyanteng si Paolo Ballesteros.

Sa kanyang Instagram page nitong Martes, Oktubre 3, muling ipinamalas ng “Drag Race Philippines” at “E.A.T.” host ang kanyang makeup skills at abilidad na mag-transform sa iba’t ibang personalities.

“Im a VORBIE gurl. #barbiemakeuptransformation #VortangBarbie,” sey ni Paolo sa caption ng kanyang post.

Achieve na achieve nga ng actor-comedian ang Barbie look kaya’t agad itong nakapukaw ng atensyon mula sa publiko.

Hindi naman nakapagtataka na pati ang kanyang mga katrabaho sa noontime show na sina Ryzza Mae Dizon, Miles Ocampo at Ryan Agoncillo ay napa-comment sa nasabing transformation ni Paolo.

“AYAN NA NGAAAAA!!!! Ganda Vorbie,” komento ni Ryzza Mae.

“FINALLY!!!!!!!! BTS naman ang next upload mo please, friend!” komento naman ni Miles.

“Anlupet,” saad naman ni Ryan.

Ilang netizens din ang may nakakatawang hirit para sa Barbie look ni Paolo.

“Hinair flip lang tayo ni vorvie”

“Gondoooo manikang lumalagutok ang buto.. 14 ang bewang..”

“Parang 3D po. kailangan namin red and blue 3d glasses, SAKIT sa mata eh!”

AUTHOR PROFILE