Barbie & Diego

Barbie sa love scene kay Diego: Very totoo lang talaga

November 17, 2021 Vinia Vivar 269 views

Para sa real-life couple na sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga, anniversary gift nila sa kanilang fans ang pelikulang Dulo under Viva Films, first project nila together mula sa direksyon ni Fifth Solomon.

Magdiriwang kasi sila ng first anniversary sa Dec. 11 at timing na ipapalabas ang movie sa Vivamax sa Dec. 10.

Sa digital mediacon nga para sa pelikula ay natanong ang dalawa kung ano ba ang nagustuhan nila sa isa’t isa.

Ani Diego, “Sinabi ko sa sarili ko, if ever I date a girl, gusto ko na I can see her as the mother of my children. So, kailangang may ganu’n siyang factor and nakita ko ‘yun kay Bie, eh, really early pa lang sa relationship, nanliligaw pa lang ako sa kanya. How organized she is a person lalo na when it comes to work.”

Bukod pa dito, si Barbie raw ang isa sa mga tumulong sa kanya noong time na may mabigat siyang pinagdaranaan sa buhay and that time ay magkaibigan pa lang sila.

“Meron akong pinagdaanan noon and Barbie accepted that and helped me move forward also with my life,” aniya.

Ayon naman kay Barbie, isa sa mga nagustuhan niya kay Diego ay ang pagiging sobrang totoong tao nito at hindi raw ito mapanghusga.

“Wala siyang pakialam sa kung ano ‘yung past mo or ‘yung mga maling decision na nagawa ko noon. Parang siya ‘yung tao na parang hindi ka takot na sabihin sa kanya ‘yung mga mabibigat, ‘yung mga nakakahiyang sabihin. Kasi, parang tatanggapin ka niya at hindi ka niya idya-judge based sa past,” she said.

“And sobrang maalaga niya po,” dagdag pa ng aktres.

Sa Dulo ay may matinding love scenes ang dalawa at ayon kay Barbie ay first time niya itong ginawa since in the past ay hanggang kissing scenes lang daw ang kanyang nagawa.

Ayon kay Barbie ay sobrang kabado siya nang kinukunan ang maselang scene at si Diego raw ang tumulong para kumalma siya.

“’Yung love scene naman namin, very totoo lang talaga. ‘Yung totoong nangyayari kapag bago pa lang, ’pag sa kalagitnaan ng relasyon, ’pag tumatagal na. Hindi naman siya movie about ganu’n lang. Parte lang siya talaga. ‘Yung story ang panlaban,” sey pa ng aktres.

AUTHOR PROFILE