Jakbie

BARBIE, NAG-JOIN SA JAK ROBERTO UNIVERSITY

August 9, 2023 Jun Nardo 326 views

DUMARAMI ang enrollees ng Jak Roberto University na binuo ng Kapuso hunk na si Jak Roberto.

Ang unang viral class na ginawa ni Jak ay ang “Anti-Selos” classes with matching advice pa sa mga ito.

Lahat ng co-stars ni Jak sa GMA series na The Missing Husband, gaya nina Yasmien Kurdi at Rocco Nacino, kasali.

Pati nga ang dyowa niyang si Barbie Forteza, join din sa enrollees ni Jak, huh!

Of course, kahit pilit na pinagseselos si Jak sa tambalang Barbie-David Licauco, dedma lang siya lalo na’t alam niya kung nasaan siya sa puso ni Barbie.

Naku, subukan nilang iangat ang BarDa loveteam at the expense of Jak, kakarmahin sila!

AUTHOR PROFILE